Pinas News
  • Home
  • Breaking News
  • Bongbong Marcos
  • Senate of the Philippines
  • House of Representatives
  • Pinoy Abroad Inspirations
  • Rodrigo Duterte
  • Showbiz Chika
  • SiteMap
©2022 - All Rights Reserved. Pinas.news
Robin Padilla

Robin isinusulong ang Same Sex Union

by Pinas.news August 12, 2022
August 12, 2022 237 views

Isinulong ni Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla ang karapatan ng mga same-sex couples para magkaroon ng civil union, sa pamamagitan ng paghain ng isang panukalang batas para rito.

I-download ang PDF dito ng bill ni Robin Padilla: SBN-449: Civil Unions Act

Ayon kay Padilla, sang-ayon ito sa Sec. 1, Art. III ng ating Saligang Batas na nagbibigay ng pantay na proteksyon sa karapatan ng lahat.

“This representation believes it is high time that the Philippines provides equal rights and recognition for couples of the same sex with no prejudice as to sexual relationships are protected and recognized and given access to basic social protection and security,” ani Padilla sa Senate Bill 449.

“Providing equal rights and privileges for same-sex couples will in no way diminish or trample on the rights granted to married couples,” dagdag nito.

Idiniin ni Padilla na bagama’t tanggap na ang civil union ay tanggap na sa ibang bansa, wala pang batas ang Pilipinas para tiyakin ang karapatan para sa same-sex couples tulad ng para sa different-sex couples.

Sa ilalim ng panukalang batas, ang mga magsasama sa civil union ay hindi dapat bababa sa 18 ang edad, at hindi kasama sa dating kasal o civil union. Kailangan din nila ng license para sa civil union mula sa civil registrar.

Kailangan ding may personal appearance ang dalawang magsasama sa isang civil union ceremony na may hindi bababa sa dalawang testigo.

May karapatan ang mga nasa civil union para magmana, mag-ampon, at magkaroon ng benepisyo sa social security at insurance.

Samantala, multang aabot sa P1 milyon o pagkulong ng hanggang 10 taon ang parusa para sa pagtanggi sa pag-isyu ng civil union license o certificate, at sa diskriminasyon sa trabaho.

  • Jakarta Filipino Community MAINIT na tinanggap si PBBM
  • Talumpati ni PBBM sa 100th Founding Anniversary of the Nurses Association

Breaking Latest News

  • PagbuBULGAR ni Raffy Tulfo ng korapsyon sa PTV4 VIDEO ng mapangit na larawan sa likod ng camera
  • BIR BOC binira ni Raffy Tulfo sa pagTARGET sa mahihirap na patawan ng tax
  • Jinggoy Estrada inungkat ang KONEKSYON ni Abanil at Bragado sa DepEd “favored supplier” na nagBULSA ng 6-B contracts
  • MAPAIT na sinapit ni Jovelyn Andres bilang OFW! AKSYON AGAD si Raffy Tulfo
  • Jakarta Filipino Community MAINIT na tinanggap si PBBM

   

Leave a Comment Cancel Reply

You must be logged in to post a comment.

previous post
DA Undersecretary ipinirma si PBBM para sa illegal importation ng 300K sugar metrictons
next post
Politikong sangkot sa mataas na presyo ng kuryente ipinapatawag ni Raffy Tulfo sa hearing
  • Tinukoy ni Robin Padilla na may mga pulitikong nagpupuslit ng droga sa mga barangay

  • Robin Padilla’s First Privelege Speech: Pag-aari ng Pilipinas ang Sabah

  • Mungkahi ni Robinhood na Cable Cars para resolbahin ang traffic pinuri ng mga senador

Latest news and crucial updates happening in the Philippines.

Facebook Twitter Youtube

©2022 - All Rights Reserved. Pinas.news