Aminado si Admiral na walang security escort assigned para kay Imee Marcos

Tiniyak ng Presidential Security Group (PSG) na magtatalaga sila ng security contingent para kay Senator Imee Marcos dahil mandato nilang protektahan ang lahat ng mga kapatid ng Pangulo.

Inamin ni Admiral Andro Val Abayon na nadiskubre niyang walang personnel na naka-assign sa senadora nang simulan niya ang kanyang pamumuno noong Nobyembre.

Ang kakulangang ito sa proteksyon ay nakita matapos ang isinagawang pagsusuri sa kasalukuyang close-in protection system ng PSG.

Binigyang-diin ni Admiral Abayon na tungkulin nilang magbigay ng proteksyon anuman ang maging desisyon ng kapatid ng Pangulo.

Ayon kay Senator Ping Lacson, ang pagbabantay sa mga kapatid ng Presidente ay isang basic function at tungkulin na hindi dapat isantabi ng grupo.

Sinabi ni Admiral Abayon na nagsagawa siya ng diagnosis sa buong command upang ayusin ang security plans para sa First Family.

Kinumpirma ng opisyal na habang may security na si Miss Irene Marcos, tanging si Senator Imee ang wala pang nakatalagang tauhan mula sa PSG.

“Your honor, it is mandated for us to protect the siblings, and I will talk to the good senator for the preparation of her security,” ayon kay Admiral Abayon.

Ipinaliwanag ni Senator Lacson na ang kaligtasan ni Senator Imee ay mananatiling pananagutan ng PSG sakaling may mangyaring hindi maganda.

Dahil dito, dapat aniyang magpadala ng contingent ang grupo kahit pa tumanggi ang senadora sa alok na proteksyon.

Narito ang maikling excerpt ng usapan:

Senator Ping Lacson: You know, it’s a basic function, basic tasking, basic duty of the PSG to secure the siblings. It is up to the presidential sister, in this case Senator Marcos, if she needs security or not, because if something happens to her, is your responsibility.

Admiral Andro Val Abayon: Yes, your honor.

Senator Ping Lacson: So how do you intend to go about it now?

Admiral Andro Val Abayon: I will prepare security teams, your honor, for our good senator.

Senator Ping Lacson: So even if she refuses, you will assign a contingent to secure her.

Admiral Andro Val Abayon: That’s the mandate, your honor.

Senator Ping Lacson: Tama. Tama sagot mo. Thank you, Mr. Chairman.

Tumugon ang pinuno ng PSG na gagawin nila ito dahil ito ang nakasaad sa kanilang mandato bilang mga tagapagtanggol ng pamilya ng Pangulo.

Nagpahayag naman ng katanungan si Senator Jinggoy Estrada kung paano kung hindi ito payagan ng mismong Pangulo.

Mr. Chair, just one question. What if the President does not allow it? What will you do?”

Mukhang hindi malaman ni Admiral ang isasagot, kaya, nagmungkahi na lang si Lacson,

“I’ll post it as an answer, ha: I’ll cross the bridge when I get there.”

I will cross the bridge when I get there,” ang paulit na sagot ni Admiral kay Estrada sa naturang usapin.

Patuloy ang koordinasyon ng grupo upang matiyak na lahat ng kapatid ng Presidente ay may sapat na proteksyon laban sa anumang banta.

Related Articles

Latest Articles