Huli mismo si Teddy Casino sa kanyang rebelasyon na sinumang sumasanib na miembro nila ay hindi nila tinatawag na kaaway. Sa ganitong bulok na kaisipan, sinasang-ayun ng Macabayan bloc ang mga N P A.
Si Bayan Muna Party List Representative Carlos Zarate and former Party List Congressman Teodoro Casino ay nagpahayag na hindi nila isinasaalang-alang ang Communist Party of the Philippines, New People’s Army at National Democratic Front (CPP / NPA / NDF) bilang “mga kaaway.”
Ipinahayag nia ito nang tanungin ni Senador Panfilo M. Lacson, chairman ng Senate national defense and security committee, kung handa ba silang tuligsain at isaalang-alang bilang mga kaaway na kasapi ng mga militanteng grupo na sumali sa NPA.
Sinabi ni Casino na ang mga militanteng grupo ay hindi kumukuha ng kabataan upang sumali sa NPA ngunit natural na target ng NPA ang mga kabataan at mag-aaral na sumali sa kanilang grupo.
Sinabi ni Senate President Vicente C. Sotto III na tama si Gen. Antonio Parlade na nagbabala laban sa mga nais sumali sa mga militanteng grupo.