Pinas News
  • Home
  • Breaking News
  • Bongbong Marcos
  • Senate of the Philippines
  • House of Representatives
  • Pinoy Abroad Inspirations
  • Rodrigo Duterte
  • Showbiz Chika
  • SiteMap
©2022 - All Rights Reserved. Pinas.news
Pinoy Abroad Inspirations

Maipagmamalaki ka! Kase, Filipino ka.

by Pinas.news November 13, 2018
November 13, 2018 300 views

Hindi ka mahina
Hindi ka walang magagawa
Hindi mo dapat maliitin ang iyong sarili
Upang hindi mo maliitin ang ibang kauri.

Ikaw ay may kakaibang galing
Galing at husay na wala sa iba
Sa lahat ng bansa ay kinikilala
Bumababa ang iba kapag sa iyo kinumpara.

Ikaw ay matapat, marangal
Masipag, matapang, mapagkakatiwalaan
Saludo ang iyong mga kababayan
Kahit ang mga banyagang dayuhan.

Pero… bakit ngayon, may bago kang drama
Maralitang aba na aping kawawa
Dukhang hampaslupang sayad sa lupa
Na pinaglihi sa sumpa dahil sa pilipit na mukha.

Kahinaan sa loob, tinanggap mo na
Kawalang pag-asa na lang ang iyong nakikita
Ligaw, lito, at lupaypay – handang dumapa sa pagkatalo
Na parang wala ng liwanag ang buhay sa dulo

Nalimutan mo na ba kung sino ka
Nalimutan mo na ba na lahing mandirigma ka.
Nalimutan mo na ba na ikaw ay pinili ng Maylikha
Ginawang anak Niya dahil mahal ka.

Hey! Bumangon ka na! Gumising ka sa katotohanan
Simulan mo ng umahon sa putik ng kadustaan
Kayang-kaya mong abutin ang bagong buhay
Dahil ang dugo mo’y maharlika – KASE, FILIPINO KA!

by Admin, Pinas.news

   

Leave a Comment Cancel Reply

You must be logged in to post a comment.

previous post
Si Trillanes ang may kagagawan sa sinapit ni Angelo Reyes
next post
Abear Wilbert nag-donate ng sariling vital organs sa 6 Chinese nationals
  • PRRD New Year’s Greetings to Filipino Communities Abroad (video)

  • Pinay Nurse sa UK, nabigyan ng British Empire Medal

  • Na-break ni Fil-Am Kristina Knott ang 33 year-old record ni Lydia de Vega sa 100M-dash

  • Pinay who grew up poor in Philippines gets Oklahoma Medal of Excellence

  • Duterte wishes OFWs ‘fruitful, meaningful lives’

Latest news and crucial updates happening in the Philippines.

Facebook Twitter Youtube

©2022 - All Rights Reserved. Pinas.news