Pinas News
  • Home
  • Breaking News
  • Bongbong Marcos
  • Senate of the Philippines
  • House of Representatives
  • Pinoy Abroad Inspirations
  • Rodrigo Duterte
  • Showbiz Chika
  • SiteMap
©2022 - All Rights Reserved. Pinas.news
Giyera

Ka Oris top most wanted NPA leader TUMBA sa operasyon

by Pinas.news November 1, 2021
November 1, 2021 262 views

Napatay ng tropa ng pamahalaan ang isa sa mga lider ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) na kinilalang si George ‘Ka Oris’ Madlos sa naganap na engkwentro sa bulubunduking lugar sa Bukidnon.

Sa isang statement, sinabi ng 4th Infrantry Division ng Philippine Army na nangyari ang bakbakan sa bulubunduking bahagi ng Barangay Dumalaguing, Impasugong, Bukidnon.

Nagtagal ng kalahating oras ang bakbakan sa pagitan ng mga sundalo at nasa 30 rebelde.

Nang matapos ang bakbakan ay natagpuan ng mga sundalo ang patay na katawan ng dalawang inidbiduwal, na ang isa ay kinumpirmang si Madlos.

Narekober sa pinangyarihan ang M14 rifle, KG9 rifle, ammunition, iba pang war materials at iba’t ibang gamit.

Ayon sa militar, si Madlos ay isa sa most wanted New People’s Army commander sa bansa dahil sa kabi-kabilang kaso nito katulad ng pagnanakaw, double homicide, damage to properties, multiple murder at frustrated murder.

“Ka Oris’ reign of terror has finally ended. Unfortunately, the consequences of his atrocities led to a tragic ending,” pahayag naman ni Major General Romeo Brawner Jr., 4ID commander.

“Now, justice has been served for those innocent civilians and their communities he terrorized for several decades. His death could be the final blow for the eventual collapse of the Communist Terrorist Group here in our AOR,” dagdag pa niya.

Read more: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/probinsiya/2021/11/01/2138104/lider-ng-cpp-npa-patay-sa-engkuwentro

   

Leave a Comment Cancel Reply

You must be logged in to post a comment.

previous post
Harry Roque umalma sa report ng Inquirer
next post
Pres. Duterte may good contribution na iaambag kung magiging senador
  • Gagayahin ni BBM si FEM sa pagresolba ng problema sa presyo ng krudo at gasolina

  • Mga baril, gamit pandigma nakuha sa engkwentro sa Agusan del Sur

  • DOJ files rape charges vs. NPA commander

  • Duterte stands by Lorenzana’s remark, denounces China’s claim on Julian Felipe Reef

  • Mainit na sagutan ng Filipino aircraft at Chinese ship sa West PH Sea

Latest news and crucial updates happening in the Philippines.

Facebook Twitter Youtube

©2022 - All Rights Reserved. Pinas.news