Pinas News
  • Home
  • Breaking News
  • Bongbong Marcos
  • Senate of the Philippines
  • House of Representatives
  • Pinoy Abroad Inspirations
  • Rodrigo Duterte
  • Showbiz Chika
  • SiteMap
©2022 - All Rights Reserved. Pinas.news
Trending News

Duterte PINABUKSAN ang Kamara para tapusin ang 2021 National Budget sa October 13-16!

by Pinas News October 9, 2020
October 9, 2020 410 views

Malinaw sa mensahe ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang hindi pagpayag na maging re-enacted ang pondo ng pamahalaan sa taong 2021.

Nagpatawag ang Pangulo ng special session sa Kongreso sa Oktubre 13-16, 2020 upang muling ipagpatuloy ang congressional deliberations para sa national budget sa susunod na taon, na nagkakahalaga ng 4.5 trilyong piso. Iginiit niyang iwasan ang delay ng pagpapasa nito.

Ayon sa ulat ni Presidential Spokesperson Harry Roque, walang pakundangang sinabi ng Pangulo na kung hindi kaya ng mga kongresistang gawin ang kanilang mga trabaho na ma-approve ang 2021 proposed budget, ay ang pangulo mismo ang gagawa nito.

Maaalalang nang dahil sa isyu ukol sa term-sharing agreement, ay mayroong alitan sa pagitan nina Speaker Alan Peter Cayetano at Marinduque Congressman Lourd Allan Velasco na nagresulta sa pagkahinto ng pagpapatibay sa third at final reading sa Mababang Kapulungan ng Kongreso para sa National Budget.

Idinagdag pa ni Roque na kung sakaling kulangin ang panahon ng Senado sa pagpapatibay ng budget nang dahil sa personal na pulitika sa mababang kongreso ay igigiit ng Malacanang na magkaroon ng special session sa holiday break sa Disyembre.

   

Leave a Comment Cancel Reply

You must be logged in to post a comment.

previous post
Kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, patuloy nang bumababa
next post
153 magsasaka ng Rizal tumanggap ng titulo ng lupa mula sa DAR
  • Konsehal BOGOK Teves ng Bohol, sinaktan at naghamon ng barilan sa isang guwardiya

  • Pekeng dentista na nag-aral lang sa YouTube arestado

  • Babaeng tumangay ng P500-M sa investment scam, nasakote

  • Drilon: DOJ should not allow unvaxxed PAO chief to report to work

  • Druglord Kerwin Espinosa at 2 pa nagtangkang tumakas sa NBI detention cell

Latest news and crucial updates happening in the Philippines.

Facebook Twitter Youtube

©2022 - All Rights Reserved. Pinas.news