370
Nilinaw ni President Rodrigo Duterte na hindi si Secretary Mark Villar ang tinutukoy niyang parte ng corruption sa Department of Public Works and Highway (DPWH). Ayon kay President Duterte, mayaman na si DPWH Sec. Villar para maging sangkot pa sa korapsyon sa loob ng ahensya. Sinabi nitong ang mga lower ranking officials ang mga involved nang isiniwalat nito ang mga panloloko sa nasabing ahensya.
Gumawa si DPWH Sec. Villar ng task force laban sa graft and corruption kung saan tungkulin nito na magbigay ng recommendations at appropriate actions laban sa mga mahuhuling responsable sa mga anomalya.