Sinibak bilang hepe ng Police Community Relations ng Mamburao Municipal Police Office si Police Executive Master Sergeant Maria Eliza Palabay matapos madawit sa reklamong isinampa kaugnay ng pang-aabuso sa kasambahay na si Elvie Vergara na humantong sa kaniyang pagkabulag.
Kabilang si Palabay sa sinampahan ng pormal na reklamo ni Elvie sa piskalya matapos umano siyang pagbantaan kapag nagsumbong sa dinaranas niyang pang-aabuso mula sa kamay ng mga amo.
Una nang itinanggi ni Palabay ang paratang. Pero giit ng biktima, tandang-tanda pa niya ang hitsura ni Palabay nang siya ay pagbantaan dahil nakakakita pa siya noon.
“Dinuduro-duro nya ako tinaasan pa nya ako ng boses, sabi niya kapag inulit mo pa yun dadamputin na talaga kita sabi sa akin ng matabang babae na si Mam Liza,” kwento ni Elvie.
Watch full playlist on YouTube here Manang Elvie Story: Ganti ng Kasambahay. Motu Proprio inquiry into the severe battery and maltreatment by employers of kasambahay Manang Elvie Vergara resulting to her blindness and other injuries.