3 criminology students, tulong-tulong sa pagpapaanak ng buntis sa Capiz


February 12, 2019 – Itinuturing ngayong mga bayani ang tatlong criminology student matapos silang magpaanak sa kapatid ng kanilang landlady sa Roxas City, Capiz.

Sa ulat sa Unang Balita ng GMA News nitong Martes, sinabing naghahapunan ang mga estudyanteng sina Joseph Landez, Nico Bonita at Raymark Manong nang makita nilang nakahiga na sa sahig ang babae.

Dahil dito, humingi sila ng tulong, ngunit halos nakalabas na ang ulo ng sanggol.

Napagpasiyahan nilang sila na mismo ang magtulong-tulong sa panganganak ng ginang.

Sobra-sobra naman ang pagpapasalamat ng ginang sa tatlong estudyante.

Ligtas at maayos ngayon ang kalagayan ng mag-ina dahil sa mabilis na pagtugon ng mga criminology students. Jamil Santos/KG, GMA News


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *