Isang 65-years old na Filipina ang sinipa na walang pakundangan ng isang lalaking nakasalubong lamang ng biktima sa Times Square, Manhattan, New York City.
Nang bumagsak ang biktima, sinipa pa siya ng maraming beses sa ulo ng salarin. Mapapanood sa Tweet ng NYPD News sa ibaba:
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Vilma Kari, ayon sa The New York Times.
Napahiga ang matandang babae sa bangketa. Sinipa muli ang babae sa uli. Hindi pa tumigil, at isa pa! At muli. Minura pa ang babae, ayon sa isang opisyal ng pulisya, at pagkatapos ay sinabi, “You don’t belong here.”
Tinamaan sa ulo ng maraming beses ang biktima bago umalis ang may topak, baliw (grrrrr!!!!) na salarin.
Sa video na nai-post sa New York Police District News Twitter account, makikita ang biktima na naglalakad nang siya ay sinipa ng “itim” na lalaki.
🚨WANTED for ASSAULT: Do you know this guy? On 3/29/21 at approx 11:40 AM, in front of 360 W 43 St in Manhattan, the suspect punched and kicked a 65-year-old woman while making anti-Asian statements. Any info? DM @NYPDTips or anonymously call them at 800-577-TIPS. pic.twitter.com/WRE4kSHtRG
— NYPD NEWS (@NYPDnews) March 30, 2021
Sa isang post sa Twitter ng NYPD Hate Crime noong Miyerkules, sinabi na ang salarin ay naaresto sa tulong ng impormasyong ibinigay ng publiko.
Thanks to assistance from the public and excellent investigative work by @NYPDHateCrimes Detectives, the individual wanted for Monday’s assault of a 65 year-old Asian female, at 360 West 43rd St, was arrested and charged with Felony Assault as a Hate Crime. pic.twitter.com/ZQRVGZEAb2
— NYPD Hate Crimes (@NYPDHateCrimes) March 31, 2021
May iba’t ibang reaksyon ang mga netizens dahil sa brutal na video. Marami ang naglabas ng galit at damdamin sa pangyayaring ito.
May ilan rin ring naglaan pa ng pabuya mahuli lamang ang salarin:
May nagprotesta rin sa harapan mismo ng pinangyarihan ng panggugulpi sa ginang.
Kamakailan lamang, isa pang Asyano ang sinalakay ng isang “black” na tao sa loob ng isang tren sa subway ng New York.
Sinuntok at sinakal ang biktima hanggang sa nawalan siya ng malay.
Ang salarin ay hindi pa naaresto.
Ito ay ilan lamang sa lumalaking insidente ng “hate crime” laban sa mga Asyano sa Amerika.
READ: Maipagmamalaki ka! Kase, Filipino ka.