Mananatiling bagyo-free ang bansa ngayong araw ngunit asahan ang mga pag-ulan sa malaking bahagi ng Luzon, Visayas, at Mindanao dahil sa epekto ng shear line at Northeast Monsoon o Amihan.
Ngayong Linggo, February 22, 2026, walang mino-monitor na Low Pressure Area (LPA) o bagyo sa loob at labas ng Philippine Area of Responsibility.
Gayunpaman, ang shear line o ang salubungan ng malamig at mainit na hangin ang nagdadala ng kaulapan sa silangang bahagi ng Visayas.
Samantala, ang Northeast Monsoon o Amihan ang nakakaapekto sa Luzon, habang Easterlies naman ang umiiral sa Mindanao.
Sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon, asahan ang fair weather condition na may tsansa ng mahihinang pag-ulan. Ang mga lalawigan naman ng Cagayan, Isabela, at Aurora ay makakaranas ng maulap na papawirin dahil sa hanging Amihan.
Sa kabisayaan at hilagang bahagi ng Mindanao, asahan ang kalat-kalat na pag-ulan at pagkulog-pagkidlat dahil sa shear line.
Lagay ng Panahon sa Luzon, Visayas, at Mindanao
Sa susunod na mga araw, inaasahang hihina ang epekto ng Amihan sa Luzon at magdudulot na lamang ng isolated light rains sa extreme Northern Luzon.
Magkakaroon naman ng mga localized thunderstorms sa Metro Manila at iba pang bahagi ng Luzon simula bukas hanggang Huwebes.
| More: Claire Castro pinuri si Leni Robredo binagsak si Sara Duterte
Ang Easterlies naman ay posibleng magdala ng mga pag-ulan sa Eastern at Central Visayas, Caraga, at Northern Mindanao sa mga darating na araw.
Nagbabala ang PAGASA sa mga residente sa Eastern Visayas, Central Visayas, Dinagat Islands, Surigao del Norte, Camiguin, at Misamis Oriental. Pinapayuhan ang publiko na maging mapagmatyag sa panganib na dulot ng panahon.
“Ating mga kababayan, lalo na ang mga inuulan nitong mga nakaraang araw pa, ay pinag-iingat sa mga bantang pagbaha o pagguhon ng lupa.”
Temperatura at Astronomical Data
Narito ang agwat ng temperatura sa iba’t ibang bahagi ng bansa ngayong araw:
| Lugar | Temperatura (°C) |
|---|---|
| Metro Manila | 22 to 30°C |
| Baguio | 14 to 24°C |
| Tagaytay | 21 to 29°C |
| Laoag | 21 to 33°C |
| Tuguegarao | 24 to 31°C |
| Legazpi | 24 to 30°C |
| Puerto Princesa | 25 to 31°C |
| Cebu | 25 to 31°C |
| Iloilo | 26 to 31°C |
| Tacloban / Cagayan de Oro | 24 to 30°C |
| Zamboanga / Davao | 24/25 to 33°C |
Ayon sa PAGASA, wala ring nakataas na gale warning sa alinmang baybayin ng bansa kaya ligtas ang paglalayag. Ang araw ay sumikat kaninang 6:17 ng umaga at inaasahang lulubog mamayang 6:02 ng hapon.
Sa kabuuan, bagamat walang bagyo, nananatiling banta ang pagbaha at landslides sa Visayas at Mindanao dahil sa shear line. Inaasahan ding unti-unting hihina ang hanging Amihan sa Luzon sa mga susunod na araw.

