By the way ha, may lumabas na nga pala sa Rappler na artikulo tungkol sa aking press briefing. Linawin ko lang po ‘no iyong “Willie Revillame hijacks Roque press briefing to promote charity.” Wala pong ganoong nangyari ‘no. Pinatapos po natin ang press briefing bago natin pinasalamatan at binigyan ng pagkakataon si Kuya Wil na magsalita.
So sa amin naman po, nakisuyo tayo kay Kuya Wil kung puwedeng magamit iyong kaniyang studio dahil naka-lockdown nga po ang NEB at kung nasaan ang amin ang briefing room na pinagbigyan naman po. So bilang pasasalamat lang po ang ginawa natin na niyaya po natin siyang magpakita sa huling parte ng briefing.
Likas na matulungin naman po si Willie, walang pinagkaiba ang pagtulong niya sa panahon ng pandemya noong panahon ng Yolanda. Wala pong pulitika roon at wala pong hijacking.