449
Hindi mapigilan ni Cong. Dan Fernandez, Cong Alvarado at Cong. Remulla na magpahayag ng galit at init ng ulo sa Meralco dahil sa pagtaas ng singil sa kanilang billing.
Mainit na tinalakay ang Weighted Average Cost of Capital (WACC) ni Cong. Fernandez dahil nasa likod nito ang 50 bilyon na pera na nagbibigay pabigat sa mamamayan.
Hindi handa ang grupo ng Meralco na lalo pang ikinagalit ng mga kongresista.
Lumabas ang husay ni Cong Fernandez sa kanyang mga detalyeng ipinakita sa hearing. Matapos ang kanyang interpellation, tinawag pa siyang isang ‘Einstein’ ni Cong Alvarado.