“Noong gabing iyon, nakita natin ang totoong Sara Duterte. Nanlilisik ang mata, halos bumula ang bibig, at lumabas ang dugo sa tenga.” ~Leila De Lima (quoted by Gerville Luistro)
Sa kabila ng pag-atras ng ilang konggresista, unanimous ang naging desisyon ng House Committee on Justice na ituloy ang impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.
Nagkakaisang bumoto ang 55 na miyembro ng komite upang opisyal na aprubahan ang committee report at Articles of Impeachment. Layon ng hakbang na ito na dalhin ang reklamo sa plenaryo para sa mas malawak na botohan ng buong Kamara.
Gayunpaman, naging usap-usapan ang biglaang pagbawi ng 15 na mambabatas sa kanilang mga pirma bilang may-akda ng resolusyon. Ang mga konggresistang ito, kabilang sina Rep. Jose C. Alvarez at Rep. Jennifer A. Lagbas, ay inalis ang kanilang pangalan bago pa ang botohan sa plenaryo.
Wala na rin ang pangalan nina Reps. Jose C. Alvarez, Aniela Bianca D. Tolentino, Emigdio P. Tanjuatco III, Loreto S. Amante, Emerson D. Pascua, Bier Rodriguez, Cheeno Miguel D. Almario, Yevgeny Vincente B. Emano, Arnan C. Panaligan, Wowo Fortes, and Gil “Kabarangay Jr.” Acosta.
>More: Banggaan ni Rodriguez at De Lima sa ‘polluted source’ na witness ni Diokno
Dahil sa pag-atras na ito, bahagyang bumaba ang bilang ng mga tinitiyak na taga-suporta para sa impeachment.
Sa kasalukuyan, mayroon nang 83 na endorser ang impeachment resolution matapos madagdagan ng 55 na bagong pangalan. Bagaman marami na ito, kailangan pa rin ng kabuuang 106 na boto o one-third ng lahat ng miyembro ng Kamara.
Ibig sabihin, kulang pa ng 23 na pirma upang direktang maipadala ang kaso sa Senado para sa paglilitis.
Unanimous Vote sa Justice Committee
Pinangunahan ni Batangas 2nd District Representative Gerville Luistro ang pagdinig kung saan naging 55-0 ang resulta ng botohan. Ayon sa komite, sapat ang mga ebidensya upang patunayan ang pagkakaroon ng probable cause laban sa Pangalawang Pangulo.
Kabilang sa mga basehan ang culpable violation of the Constitution, bribery, graft and corruption, at betrayal of public trust.
Ibinida ng komite ang mga nakalap na dokumento at testimonya sa nakalipas na mga marathon hearing. Binigyang-diin nila na dumaan ito sa tamang proseso at hindi minadali ang pagsusuri sa bawat ebidensya.
Dahil dito, pormal nang inirekomenda ng panel ang pagpapatibay ng Articles of Impeachment sa plenaryo. “If the Vice President is guilty. Let the truth convict her”, pahayag ni Luistro.
Ebidensya Laban sa VP
Maraming seryosong isyu ang nakapaloob sa Articles of Impeachment na inaprubahan ng mga mambabatas. Kabilang dito ang alegasyon ng maling paggamit ng confidential funds na umabot sa mahigit 600 milyong piso.
Sinuri rin ang mga transaksyong nagkakahalaga ng 6.7 bilyong piso na naging paksa ng ulat mula sa AMLC.
Isang partikular na kaganapan ang nagbigay ng kulay sa imbestigasyon tungkol sa mga pekeng resibo. Natuklasan ng PSA na ang mga pangalang ginamit sa liquidation, gaya ni Mary Grace Piatos, ay walang record sa civil registry.
Bukod dito, naging mitsa rin ang kumalat na video kung saan naging usapin ang banta sa buhay ng Pangulo at ng kanyang pamilya.
15 Lawmakers Biglang Umatras sa Pirmahan
Malaking hamon ang kinakaharap ng impeachment push matapos mawala ang suporta ng 15 na orihinal na kasama sa draft. Ang mga konggresistang ito ay dating nakalista bilang mga may-akda ng resolusyon laban kay Vice President Duterte.
Ayon sa mga ulat, ang pag-atras na ito ay nangyari isang linggo bago ang nakatakdang botohan sa plenaryo.
Dahil dito, mas naging mahigpit ang laban para makuha ang kinakailangang bilang ng boto sa Kamara. Gayunpaman, nananatiling positibo ang mga tagapagsulong ng impeachment dahil sa pagpasok ng mga bagong taga-suporta gaya ni Chel Diokno at Leila De Lima.
Ang susunod na sampung araw ang magiging kritikal para malaman kung aakyat ang kaso sa Senado.

