“Nakapagtataka! Bakit po sumipa ng 110, 130 per pesos liter. Tinanggap na lang natin ng ganon? What happened?” ~Rodante Marcoleta
Mainit na nagdebate sina Senator Marcoleta at DOE Secretary Sharon Garin dahil sa 120 percent na taas-presyo sa diesel. Grabe ang gulat ng marami sa biglang pagtalon ng presyo ng krudo mula Php 55 hanggang Php 130.
Tinanong ni Senator Marcoleta ang Department of Energy (DOE) kung bakit umabot sa ganito ang itinaas. Ayon sa DOE, apektado tayo dahil wala tayong sariling refinery at nag-aangkat lang tayo.
Binigyang-diin ni Garin na tumaas din ang gastos sa logistics at insurance sa buong mundo. Natatakot kasi ang mga shipping companies na dumaan sa mga delikadong ruta sa labas ng bansa.
Dahil dito, lahat ng sangkap sa presyo ng petrolyo ay sumabay sa pagtaas. Ito ang pangunahing dahilan ng kagawaran kung bakit ramdam ng publiko ang bigat ng presyo.
Bakit Nga Ba Ginto Ang Presyo?
Kinuwestiyon ni Marcoleta kung sapat ba ang ginawang pagbusisi ng gobyerno sa mga kumpanya ng langis. Ayaw niyang tanggapin na lamang agad ang mga dahilan na ibinibigay ng mga oil players.
Ipinakita niya ang mga datos tungkol sa mga higanteng refineries sa Rotterdam at Singapore. Ayon sa kanyang computation, mas mababa dapat ang landed cost ng diesel sa bansa.
>More: Ipinilit ni Claire Castro na walang Oil Crisis
Ipinaliwanag ng senador na ang presyo sa Singapore ay nasa Php 29.83 hanggang Php 32.63 lamang. Kahit dagdagan pa ito ng mga buwis at iba pang fees, malayo ito sa kasalukuyang presyo.
Hinamon niya ang DOE na direktang kumuha ng langis sa Singapore gamit ang sariling vessel. Iwas din daw ito sa gulo sa Strait of Hormuz na nagpapamahal sa shipping.
Problema Sa Sasakyang Pandagat
Sumagot si Secretary Sharon Garin na sinusubukan na ng PNOC na makahanap ng mga bagong supplier sa ibang bansa. Ngunit may mga logistical issues gaya ng 30 hanggang 45 na araw na paghihintay ng delivery.
Nahihirapan din daw ang gobyerno na humanap ng sariling vessel na maghahatid ng supply. Tumaas din ang mga premium para sa insurance na kailangang bayaran sa bawat biyahe.
Isang matinding diskusyon ang naganap nang tanungin ng senador kung sino ang nagsabing mahirap humanap ng vessel. Sinabi ni Garin na ang mga oil players mismo ang unang nagbigay ng ganitong babala sa kanila.
Nanindigan ang DOE na sumusunod sila sa Mean of Platts Singapore (MOPS) sa pag-compute ng presyo. Ngunit giit ni Senator Marcoleta, hindi na raw relevant ang ibang international indices sa sitwasyon natin.
Nangako ang DOE na titingnan nila ang mga suhestiyon tungkol sa Rotterdam supply sa Singapore.

