Pinas News
  • Home
  • Breaking News
  • Bongbong Marcos
  • Senate of the Philippines
  • House of Representatives
  • Pinoy Abroad Inspirations
  • Rodrigo Duterte
  • Showbiz Chika
  • SiteMap
©2022 - All Rights Reserved. Pinas.news
Breaking News

UNANG PULONG ng Komite ni Robin Padilla na Constitutional Amendments

by Pinas.news August 25, 2022
August 25, 2022 249 views

Sinimulan nitong Huwebes ni Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla ang pagtalakay sa mga posibleng pagbabago sa 1987 Constitution para paigtingin at pagbutihin at lalo pang isaayos ang ating Saligang Batas.

Ani Padilla, kinikilala niya ang tungkulin bilang tagapangulo ng Senate Committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes para rito.

“May isang katotohanang nanaig, nananaig, at mananaig – ito ay ang katotohanang tumutugon ang mga Pilipino sa mga pagkakataong tinatawag tayo upang paigtingin, pagbutihin o lalo pang isaayos ang ating Saligang Batas kung kinakailangan,” ani Padilla sa organizational meeting ng komite.

“Bukas ang ating isipan sa mga kaalaman, opinyon, at suhestyon patungkol sa mga panukalang naglalayong pagbutihin pa ang ating Saligang Batas,” dagdag nito.

Naging sentro ng malayang talakayan ang tatlong punto:

* Kinakailangan bang baguhin o rebisahin ang 1987 Constitution katulad ng mga nangyari sa mga dating Konstitusyon?

* Sa anong modality nararapat baguhin o amyendahan ang ating kasalukuyang Saligang Batas?

* Sa debate patungkol sa pagboto sa mga iminumungkahing susog o pagbabago ng Konstitusyon, ano ang posisyon sa isyu kung ang dalawang kapulungan – ang Senado at House of Representatives – at ang mga miyembro nito ay dapat bang bumoto jointly o separately?

Iginiit ni Padilla na noon pa man ay hindi maikakaila ang napakahalagang papel na ginagampanan ng Konstitusyon sa isang demokratikong bansa tulad ng Pilipinas. Mula noong 1898 hanggang 1987, nagkaroon ng mga pagbabago ang Saligang Batas.

“Napakaraming pangyayari at detalyeng pumalibot sa bawat mga kaganapan, tulad ng mga rebisyon at mga debate sa mga probisyong naging bahagi ng mga bersyon ng Konstitusyon sa mahigit isang siglo. Subalit kung aking iisa-isahin po ito, mahaba itong usapin,” ani Padilla.

“Gayunpaman, may isang katotohanang nanaig, nananaig, at mananaig – ito ay ang katotohanang tumutugon ang mga Pilipino sa mga pagkakataong tinatawag tayo upang paigtingin, pagbutihin o lalo pang isaayos ang ating Saligang Batas kung kinakailangan,” dagdag niya.

  • Jakarta Filipino Community MAINIT na tinanggap si PBBM
  • Talumpati ni PBBM sa 100th Founding Anniversary of the Nurses Association

Breaking Latest News

  • PagbuBULGAR ni Raffy Tulfo ng korapsyon sa PTV4 VIDEO ng mapangit na larawan sa likod ng camera
  • BIR BOC binira ni Raffy Tulfo sa pagTARGET sa mahihirap na patawan ng tax
  • Jinggoy Estrada inungkat ang KONEKSYON ni Abanil at Bragado sa DepEd “favored supplier” na nagBULSA ng 6-B contracts
  • MAPAIT na sinapit ni Jovelyn Andres bilang OFW! AKSYON AGAD si Raffy Tulfo
  • Jakarta Filipino Community MAINIT na tinanggap si PBBM

   

Leave a Comment Cancel Reply

You must be logged in to post a comment.

previous post
Nakakagalit na privilege speech ni Raffy Tulfo at VIDEO na ipinalabas sa senado
next post
Talumpati ni PBBM sa 100th Founding Anniversary of the Nurses Association
  • PagbuBULGAR ni Raffy Tulfo ng korapsyon sa PTV4 VIDEO ng mapangit na larawan sa likod ng camera

  • BIR BOC binira ni Raffy Tulfo sa pagTARGET sa mahihirap na patawan ng tax

  • Jinggoy Estrada inungkat ang KONEKSYON ni Abanil at Bragado sa DepEd “favored supplier” na nagBULSA ng 6-B contracts

  • MAPAIT na sinapit ni Jovelyn Andres bilang OFW! AKSYON AGAD si Raffy Tulfo

  • Mike Abe Live: ‘Pray’ on Mary Jane Veloso’s case

Latest news and crucial updates happening in the Philippines.

Facebook Twitter Youtube

©2022 - All Rights Reserved. Pinas.news