Natuklasan ang planong panggugulo ng kampo ni Lord Alan Velasco sa gagawing Special Session patungkol sa pagpasa ng 2021 Budget sa Monday na gustong ipagpilitan ang sarili na maging House Speaker.
Kumakalat ang text messages na nasa ibaba, na idinadawit pa ang pangalan ni Mayor Sara Duterte.
Plano ng mga tagasuporta ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco sa Kamara na italaga ang mambabatas bilang Speaker, bukas ng umaga.
Batay sa isang source, ang kampo ni Velasco ay suportado ni presidential daughter, Davao City Mayor Sara, kung saan tumawag umano ito sa mga miyembro ng House nitong weekend.
Kaugnay nito magsasama-sama papuntang Batasang Pambansa sa Quezon City ang mga mambabatas at idedeklara ang Speaker’s seat bilang bakante, para maisakatuparan ang term-sharing deal sa pagitan ni Velasco at ni incumbent Speaker Alan Peter Cayetano.
Inaasahang isasara ang plenaryo bukas, at muli lang itong bubuksan simula Martes.
Dagdag pa ng source, na plano ng mga pro-Velasco solons na ulitin ang 2018 scenario nang patalsikin ang noo’y Speaker Pantaleon Alvarez ng mayora ng umuopong House members, kung saan si dating pangulo at noo’y Pampanga Rep. Gloria M. Arroyo ang inihalal.
At tulad noong 2018 incident, hinihikayat ni Mayor Duterte ang mga mambabatas na magkaisa, bukas.
Source: https://www.brigadanews.ph/