Ipinanawagan ng Malacañang ang maingat na pagtanggap ng impormasyon matapos banatan ni Vice President Sara Duterte ang proyekto ni Pangulong Marcos ukol sa Php20 kada kilong bigas at pagbibigay ng maling detalye sa Charter Change.
Tinawag ni Undersecretary Claire Castro ang mga pahayag ni VP Sara bilang “tatak fake news” at “intrigang walang ebidensya.” Kinontra ng Malacañang ang sinabi ni Duterte sa isang campaign sortie kung saan iniuugnay niya si Pangulong Marcos sa pagsusulong ng Charter Change.
Ayon kay Usec. Castro, “Wala pa pong napag-uusapan tungkol diyan,” at mistulang walang basehan ang alegasyon.
Pinuna rin ni Castro ang pagpapakalat ni VP Sara ng maling impormasyon tungkol sa kanya, partikular ang isyung magkamag-anak sila ni Rep. France Castro. “Hindi po kami magkamag-anak. Hindi po maganda na Bise Presidente ang nagpapakalat ng disinformation,” giit niya.
Bilang dagdag pa, tinuligsa ng Malacañang ang mga nagpapakalat ng maling impormasyon hinggil sa proyekto sa Php20 na bigas, kung saan ang mga pekeng balita ay nagpapakita ng “bigas na panghayop.”
Ayon kay Usec. Castro, layunin ng proyekto ang pag-angat ng kabuhayan ng mga Pilipino at hindi ito dapat siraan gamit ang kasinungalingan.
Follow us on our social media:
📺www.youtube.com/@PinasNews
👉www.facebook.com/pinasnewstv
Ano sa palagay mo?