Ang issue ng West Philippine Sea was boiling. So tayo as a sign of ownership sent our Coast Guard there to show that we own the body of water. Maya-maya nandito na ‘yong China. So nagkaharapan sila at standoff parang nagtutukan ng baril. So it was America who brokered na ayusin na lang ninyo ‘yan — ang Amerika ha. And ito naman si g***ng Albert, for all of his pretentious statesman deportment, pumayag silang dalawa ni — well, of course, you cannot blame the kapitan ng barko ng Pilipinas, following orders ‘yan eh.
So nag-atras tayo. Ang problema sabay para ma-defuse ang tension. Sabay kayong umatras. Tayo umatras because Albert called the maybe the ships, ordered it to withdraw. The mystery question here is: Was it approved by President Aquino? Siya ‘yong presidente eh.
So noong umalis na ‘yong Coast Guard, hindi umalis ang China ship. So ang naiwan doon na barko China na, wala na tayo. Iyon ang history tapos nag-file sila ng kaso, nanalo tayo. Iyang papel sa totoong buhay between nations, iyang papel wala ‘yan. Kung sino ‘yong tigas, United States, Britain ‘yan, pagka ginusto nilang ganyan gawin. Tayo nanalo. Ngayon pagdating ko ang barko nandiyan sa West Philippine Sea, China boat, ship, tayo wala na.
Tapos sabi nila itong papel na sa kaso nanalo tayo i-pursue mo. Pinursue (pursue) ko, walang nangyari. Sabi… Actually in — sa usapang bugoy, sabihin ko sa iyo ibigay mo sa’kin, sabihin ko sa’yo p i*, papel lang ‘yan. Itatapon ko ‘yan sa wastebasket.
Ngayon nagpatuloy. Style nito sige sila bira, sige bira, bira, bira. Ngayon gusto nila pumunta ako sa United Nations magmakaawa naman ako doon, kung sino-sinong lapitan ko. Ipagpatuloy ko raw ‘yong away kasi I’m wasting my time and at the same time disrupting the good relations of China and the Philippines. Na sabihin mo nag-ano ng utang na loob. P i*, akala ko ba Pilipino ka? Akala — alam mo ba ang utang na loob? Do you know the dimensions of utang na loob? Iyong utang na loob iba ‘yong away. Ito para tayong nandiyan ang neighbor nila naghirap, oh tinulungan tayo. So sinabi ko salamat at may utang na loob tayo.
Ngayon siguro dahil diyan kasi pumunta ako ng China sinabi ko kasama ko ang lahat ng Cabinet members, Medialdea, General Lorenzana, General Año, chief of staff, doon sa harap sinabi ko kay Xi Jinping, one day I will go to where my oil in the West Philippine Sea, sabi ko. Sabi niya na, “I think…” Mr. Xi Jinping, I said, “…you do not do that.” “Why Mr. President? That’s ours. We are claiming it as ours.” Sabi niya, “Yes, but whatever your claim is, huwag mong gawain yan.” Sabi niya, “Why?” In whispers ha, nandiyan sila, nandiyan — “Do not do that because there might be trouble.”
Noon pa giprangkahan ko na — nandiyan si Panelo, ‘di ba nandoon ka rin? Lahat. Wala na ‘yang United Nation, nagprangka-prangka sinabi na there will be trouble. So magpunta ka man ng United Nations, magpunta ka ng Amerika, magpunta ka kung saang impiyerno kung gusto mong tulong, pagdating mo papel ang dala mo o anong gusto mo, trouble is away ‘yan. Kaya mo?
Kaya ko na ipadala ko ‘yong mga Navy ko doon? For what? Ipadala ko ‘yong mga Coast Guard ko doon for them to die? Eh hindi ako g*** ng ganoon. Why would I waste Filipino soldiers’ lives? Iyon ang totoo. Iyan ang maintindihan ng lahat.
Noong nag-Presidente ako wala ng barko doon, China lang. Ang 2014 much earlier before I became President 2016, napaalis na ni Albert. Ikaw Albert, Alberto, bakit mo pinaatras? Kaninong permission ka nanghingi? Ngayon kung wala kang maibigay, p i* mo, huwag mong ibigay sa akin ‘yong kasalanan mo. Naghahanap kayo ng libre. Alam ninyo one day, one day you will be tasked to answer for that iyang pag-order ninyo, dapat imbestigahin ka.
And if… I don’t know what will be the history of this country because if I were a leader anymore — I will execute you by hanging.