Mula sa Rodriguez, Rizal, 153 na magsasaka ang natupad ang pangarap na makamit ang titulo ng mga lupang kanilang sinasaka, matapos ang kanilang pagihintay ng 27 na taon.
Sa pamamagitan ng Department of Agrarian Reform (DAR) at ni Secretary John Castriciones, namahagi ito ng mga Certificate of Land Ownership Award (CLOAs) sa mga agrarian reform beneficiaries (ARBs), kung saan ang mga lupain ay sukat mahigit 74 na ektarya.
“Ang pamamahagi ng mga titulong ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng DAR upang palayain ang mga magsasaka mula sa tanikala bilang kasama, kawalan ng lupa at kahirapan,” sabi ni Castriciones.
“Naranasan namin ang iba’t-ibang problema ngunit sa sipag at pagtitiyaga, natupad namin ang aming mandato, at ngayon nga, matapos ang 27 years, igagawad na ang mga CLOA sa mga karapat-dapat na agrarian reform beneficiaries.”