Nagsimula na magsampa ng impeachment proceedings laban kay VP Sara Duterte ang House of Representatives, at inilipat na ito sa Senado.
Inihayag ni Sen. Chiz Escudero na posibleng magsimula ang paglilitis sa Hunyo 2025, pagkatapos ng eleksyon.
Itinanggi ni VP Duterte ang balak na bumaba sa puwesto at binalewala ang mga paratang.
Binigyang-diin ni VP Duterte, “Mas masakit pa ang maiwanan ng boyfriend o girlfriend kesa ma-impeach ka ng House of Representatives.”
MORE: 25 kongresista, nadagdag sa impeachment vs. VP Sara Duterte
Naghanda na siya at ang kanyang mga abogado mula pa noong November 2023, matapos banggitin ito ni ACT Teachers party-list Representative France Castro.
Kasama sa mga alegasyon ang paggamit ng confidential funds at paratang ng pagbabanta kay PBBM na mariing itinanggi ni VP Duterte.
Inalok ng tulong bilang abogado ang kanyang ama, si dating President Rodrigo Duterte, ngunit isinaalang-alang ni VP Duterte ang edad nito. “Baka sabihin ko sa kanya wag na lang siya mag-lead dahil may edad na si former president,” aniya.
Ipinahayag din niya ang pag-aalala sa kalagayan ng bansa, na sinabing “Napag-iwanan na tayo ng panahon.” Nagtapos siya sa pamamagitan ng panawagan, “God save the Philippines.”
Follow us on our social media:
📺www.youtube.com/@PinasNews
👉www.facebook.com/pinasnewstv
Ano sa palagay mo?