Now, kailangan pong linawin natin ang ating posisyon sa Julian Felipe Reef. Mabuti naman po at nag-issue ng statement ang National Task Force for the West Philippine Sea. Ang sabi ng National Task Force, and I quote, “Ang Felipe Reef ay isang low-tide elevation na nasa 175 nautical miles mula Bataraza, Palawan at nasa loob ng 200 nautical miles ng Exclusive Economic Zone.” Pero dagdag po ng NTF, bahagi siya ng teritoryo ng Pilipinas dahil ito ay nasa loob ng overlapping 12 nautical miles territorial seas ng McKennan Reef at isa pang posibleng high-tide feature ang Grierson, ang Sin Cowe Reef na dahil nga po sa PD 1596 ay kabahagi ng teritoryo ng Pilipinas sa ilalim ng Municipality ng Kalayaan.
Tulad ng sinabi ko kahapon na ang Julian Felipe Reef ay appended sa teritoryo dahil nga po sa Presidential Decree 1596.
Now, ano po ang importansiya ng deklarasyon ng ating National Task Force? Ito po iyong sinasabi ko na hindi ibig sabihin na palibhasa nasa 200 nautical miles ay automatic exclusive economic zone. Pupuwede pong magkaroon ng packet territorial seas doon sa ating EEZ. At mas marami pong karapatan ang coastal state dahil ang territorial seas po ay mayroong soberenya at mayroon din pong hurisdiksyon. Samantalang sa exclusive economic zone, ito po ay karapatan lamang para mangalap ng mga tanging-yaman.
So ang aking punto lang po kahapon ‘no ay kabahagi siya sa 200 nautical miles pero malinaw po na mayroong dalawang high-tide elevations doon na magkakaroon po ng territorial sea kung saan kabahagi ang ating Julian Felipe Reef.
Sa totoo lang po, hindi naman po ako ang nagsabi na mayroong dalawang high-tide elevation. Nasa ating screen po ngayon iyong decision mismo ng Hague Arbitral Tribunal. Ang sabi po ng Hague Tribunal, and I quote ‘no: “The Tribunal finds with respect of the status of features in the South China Sea that Hughes Reef lies within 12 nautical miles of the high-tide elevations or features of McKennan Reef and Sin Cowe Island.” So hindi po ako ang nagsabi niyan; iyong Tribunal po ang nagsabi niyan.
Now, totoo pong inaangkin natin iyan pero ang katotohanan po ay ang naka-ukopa diyan sa dalawang bato na iyan ay ang Tsina at ang Vietnam. Ito po ang larawan ng McKennan Reef na ino-occupy po ng Tsina; in-expand na po nila iyong kanilang artificial island. At ito naman po iyong isa pang bato, isla na ino-occupy ng Vietnam, ang tawag po diyan ay Sin Cowe Island. Iyan po iyong konteksto ng sinabi ko ‘no na pupuwede na hindi talaga siya kasama ng EEZ kasi may territorial sea. Of course, inaangkin po natin iyan so posibleng maging territorial sea ng Pilipinas iyan.
Now, doon sa mga ibang nagsasabi na ano ba itong possession na ito? Kapag ba possession, automatically mawawala na sa atin? Hindi po. Kasi ang applicable norm sa international law, sa mga isla ay iba po doon sa karagatan. Ang applicable rule po is: The state that presents the superior claim to disputed territory on the basis of effective occupation shall be granted title. Ano ba ho iyong effective occupation? Ito po iyong mga ebidensiya na mayroong soberenya na sumasakop sa isang teritoryo na pinag-aagawan. Ano po iyang mga ebidensiya na iyan? Kasama na po diyan iyong batas na nagkabit ng isang disputed territory sa teritoryo ng isang bansa; iyong aktibidades ng militar; iyong pag-i-exercise ng legislative at saka judicial jurisdiction.
So, now, lilinawin ko rin po na hindi ibig sabihin na palibhasa 200 nautical ang EZZ eh automatic 200 nautical na po talaga iyan ‘no. Sa katunayan po, hindi lang ang Pilipinas ay mayroong 200 exclusive economic zone on the basis of 200 nautical miles. Lahat po ng ating karatig na lugar ay mayroon din po silang mga exclusive economic zone. Itong susunod na slide ay magpapakita po na bagama’t iyong pinakamalayong delimitation line, iyan po iyong ating 200 exclusive economic zone ay mayroon po talagang overlaps doon sa ating mga karatig-bansa. So according to UNCLOS, itong mga overlaps po ay dapat pag-usapan, magkaroon ng negotiations nang magkaroon ng kasunduan kung paano madi-delimit po ito. Okay? So sana po naging malinaw na iyan.
Now, itong desisyon po ng Arbitral Tribunal na mayroong territorial sea dito sa McKennan ay isa lang po iyan sa mga bagay-bagay na dapat pag-aralang mabuti, lalung-lalo na po ng Kongreso, na bumuo ng Archipelagic Baselines Law kung paano dapat baguhin ang ating batas na nauukol sa ating teritoryo. Noong isang araw po sa ating briefing, pinakita ko po iyong iba’t ibang mga teritoryo ng Pilipinas sang-ayon po sa iba’t ibang mga batas. Iyong kuwadrado po, iyan ang Treaty of Paris. Tapos po kinabit po ng Presidente Marcos, PD 1569, iyong KIG Group of Islands tapos nagdeklara ng EEZ pursuant din po sa isang presidential decree.
Pero tingnan po natin kung ano ang sinabi ng Tribunal, ng Hague Tribunal tungkol dito sa batas nating ito. Nagkaroon po tayo ng Archipelagic Baselines Law na kinuwestiyon nga namin doon sa Magallona, hindi kami nagwagi, pero nawala po talaga iyong ating internal waters at territorial sea na [garbled] natin ‘no.
Now, anong sabi ng Korte Suprema sa ponensya po ni Justice Carpio nga po ‘no, and I quote: “Although the Philippines has consistently claimed sovereignty over the KIG and Scarborough Shoal for several decades, these outlaying areas are located outside the appreciable distance from the nearest shoreline of the Philippine archipelago which any straight baselines loped around them from the nearest base point will inevitably depart to an appreciable extent from the general configuration of the archipelago.”
Ibig sabihin, sabi po ng Korte Supreme doon sa desisyon nila ay iyong KIG ay hindi natin maa-attach sa ating teritoryo sa pamamagitan ng archipelagic baselines kasi masyado raw malayo. So ang ginawa po nila, in-append nila iyong KIG group sa pamamagitan ng regime of islands diumano ‘no at ito po ngayon ang pinag-aralan din ng Tribunal.
Now, balikan po natin ‘no, ang teorya namin doon sa Magallona ‘no ay hindi pupuwedeng mabago iyong teritoryo ng Treaty of Paris dahil iyan naman po ay, unang-una, sang-ayon sa tratado. Hindi po iyan historic claims of water gaya ng Nine-Dash Lines ng Tsina. Pangalawa, ito po ay binding because it is a treaty delimitation. And pangatlo, mayroon po tayong prinsipiyo nga na uti possidetis na iyong mga colonial boundaries para hindi magkagulo iyong mga bagong bansa na naging malaya laban sa mga colonial powers ay conclusive. So mayroon po talaga tayong basehan na panindigan iyong ating Treaty of Paris.
Pero gumawa nga po ng batas ang Kongreso, sinabi namin unconstitutional, kinilala pa rin na constitutional ‘no. At ang sabi nga po nila, and I quote: “The baselines cannot be drawn from the boundaries or other portions of the rectangular area delineated in the Treaty Paris but from the outer most islands and the lying reefs of the archipelago.”
So anyway, para baga hong nawala talaga iyong ating internal waters at territorial seas at ang sabi pa ni Justice Carpio sa decision na iyon, dahil tayo ngayon ay compliant sa UNCLOS, aba, mas malakas ang possibility natin na magwawagi tayo sa ating claims doon sa pinag-aagawang isla.
Tingnan po natin kung ano ang sinabi ng Hague Tribunal, ito po iyong sa arbitration na isinulong natin ‘no. Paragraph 575, and I quote: “In any event, however, even the Philippines could not declare archipelagic baselines surrounding the Spratly’s Islands. Article 47 of the Convention limits the use of archipelagic baselines to circumstances where within such baselines are included the main island and an area which the ratio of the area of the water to the area of the land, including atolls, is between 1 to 1 and 9 to 1.”
Ano pong nangyari doon sa ating domestic na batas? Doon po sa archipelagic baselines ho sinasabi nila na tuloy pa rin ang bisa ng 1569, eh iyong 1569 po in-append natin iyan as an offshore part of the archipelago.
So, tingnan pa po natin iyong ibang paragraphs ng Tribunal award ‘no. Ito naman po, Paragraph 575: “The Convention also provides in Article 7: For States to make use of straight baselines under certain circumstances and the Tribunal is aware of the practice of some States in employing straight baselines with respect to offshore archipelagos to approximate the effect of archipelagic baselines. In the Tribunal’s view, any application of straight baselines to the Spratly islands in this fashion would be contrary to the Convention.”
Ibig sabihin, para bagang iyong ating legal na basehan para angkinin nga itong Spratly ay sinabi rin ng Tribunal na hindi rin sang-ayon sa UNCLOS kasabay ng sinabi niya na iyong nine-dash line ng China ay wala pong legal na basehan. May isa pa pong paragraph ang nais kong i-quote. Final paragraph is 575 ‘no.
“These conditions do not include the situation of an offshore archipelago.”
So, ibig sabihin po talaga eh para bagang kinakailangan repasuhin iyong ating PD 1569 na nagiging legal na basehan natin para idikit ang Spratly sa ating lehislatura. So, uulitin ko po ang aking paghihingi sa ating mga mambabatas, kinakailangan po tayong bumuo ng bagong batas para po magkaroon ng mas malakas na angkla ang ating titulo diyan po sa Kalayaan Islands Group. At ang importansiya nga po nito, iyong batas na ginagamit natin para maging kabahagi ng ating teritoryo ang Kalayaan Island Group ay isa sa ebidensiya ng effective occupation.
Now, kanina po, sasabihin ko po, nagkaroon kami ng virtual debate ni Justice Carpio at panoorin po natin iyan mamaya ‘no sa isang channel. Pero ang importante po, marami ang nagtatanong, eh paano nga iyon, hindi ba dapat paalisin ni Presidente ang Tsina doon sa mga isla na ino-occupy lalung-lalo na doon sa mga lugar na sinasabi na sakop ng ating Exclusive Economic Zone at wala nga pong mga karapatan ang Tsina na gumawa ng isla doon?
Well, tama po at pinapaalis po natin sila kaya lang hindi sumusunod. Ito iyong konteksto na sinasabi na siguro dahil ayaw umalis eh kinakailangang use of force ang tanging pamamaraan para sila mapaalis pero sabi nga ni Presidente sa UN General Assembly, bawal po ang paggamit ng dahas kaya nga po patuloy tayo sa diplomasya.
Pero ang tanong, anong epekto ng mga artificial islands doon sa lugar lalung-lalo na sinabi na ng Arbitral Tribunal na kabahagi natin ang EEZ? Wala po! Kasi matagal na pong prinsipyo sa international law na ang mga teritoryo na nasakop sa pamamagitan ng paggamit ng dahas, “territories acquired through conquest will never ripen into title.”
So, huwag po kayong mag-alala, maski tayo po ay mag-status quo na naririyan sa kanilang mga artificial islands, kung wala naman silang legal na basehan para angkinin iyan, hindi ibig sabihin na palibhasa malakas sila at hindi natin sila mapaalis ay sa kanila na po ang territory. So, in that sense po, sinisigurado tayo ng international law, “might will not always be right” because territory acquired through conquest will never ripen into title.
Okay! Sana po naging malinaw iyan at siguro po mula ngayon iyong mga tanong sa national territory ibato na po natin ngayon sa Kongreso dahil at least ang isang mabuting ibinunga nitong debate pagdating sa Kalayaan Island Group eh ano nga bang epekto ng Arbitral Award na iyan sa batas natin pagdating sa ating teritoryo, at kinakailangan po talaga repasuhin iyan ng Kongreso. Iiwan na po natin iyan sa Kongreso dahil hindi naman po iyan katungkulan ng isang Presidente.