Inungkat ni Cong. Rodante Marcoleta ang maanomalyang kalakalan sa loob ng LTO kung saan ang involved ang bago nitong IT provider na Dermalog Philippines.
Narito ang summary ng mga pangyayari sa hearing na ito:
Umano’y naging dahilan ng hindi pag-operate ng ilang PMVICs o Private Motor Vehicle Inspection Centers dahil raw sa kakulangan ng mga gamit at iba pang gadgets ayon sa IT provider ng LTO na Dermalog Philippines.
Ang kumpanya ay naglabas ng “gawa-gawa” na additional guidelines kung saan required umano ang bawat PMVIC na magkaroon ng apat na biometric scanner at sampung RFID units upang maging “compliant”.
Mula sa Microgenesis, ibinebenta ng Dermalog sa LTO ang bawat package na ito sa halagang P800,000 kung saan bawat inspection center ay mayroon nito.
Ayon sa “research” ni Cong. Marcoleta, sa ibang provider, ang presyo ng RFID ay naglalaro sa $175 na nasa 7,000 sa piso. Ang biometrics naman ay nasa P2000. Bilang isang package na 10 RFID at 4 biometrics, ang equipment na ito ay magkakahalaga lamang ng P78000.
Ikinagulat pa ni Cong. Marcoleta na kabila sa P800,000 na halaga ng package ay kailangan pa ng P258,000 per annum.
Ayon sa mga may-ari ng inspection centers, inakala ng mga ito na galing sa LTO ang nasabing guidelines kaya’t hindi sila makapag-operate kahit na functional at handa na ang mga centers.