Ngayon pa lang ay maraming ng nag-iisip kung sino ang karapat-dapat humalili kay Tatay Digong bilang kasunod na presidente ng Pilipinas. Sa lahat ng public servants na nakikita natin ngayon, may iilang pangalan ang lumulutang at isa sa mga nagigibabaw ay si…
- Mayor Sara Duterte!
- Narito ang 13 dahilan bakit si ‘Inday Sara’ ang karapat-dapat na maging kasunod na Pangulo ng Pilipinas. Ang article na ito ay isinulat ni Pamela Saavedra.
A humble opinion
1. Sabi ng kanyang tatay na si Digong, mas mahigpit pa daw si Inday Sara. Totoo po iyon. Try nyo pong bumisita sa Davao, mapapansin nyong mas mahigpit na ang nga batas ngayon. Bukod sa mga batas na no speeding, no smoking, no alcohol beyond 1am, bawal na din dumura kahit saan. Kung nakainom ka ng alak at nahuli habang nagmamaneho, pagmumultahin ka ng P20,000 at maari ka pang makulong at magkaroon ng criminal record.
2. Malakas sya sa social media. Ang Pilipinas po ang isang social media powerhouse kaya halos lahat ng pangyayari ngayon malalaman mo na online. Active si Mayor Inday sa social media kaya marami din syang followers. Ang nakakatuwa pa ay hindi lang malalaking tao ang kaya nyang batikusin sa Facebook at Instagram. Kahit sibilyan ka, pero gago ka din, hindi ka nya palalampasin. Kaya ka nyang sunugin kahit isang bobong basher ka lang hahaha! 🤣
3. Likas talaga syang matapang. Minsan na nyang pinagsinabihan ang isang malaking kompanya sa Davao na nagtatayo ng condominium. “Alisin nyo yang T-crane nyo dyan kasi delikado sa dumadaang eroplano. Wag nyo hintaying ako pa ang magtatanggal nyan.” Sounds familiar? Parang tatay nya talaga. Diba biglang nagkatubig ang Manila nung binantaaan ni Tatay Digong? Tatak Duterte yan, mabilis na aksyon.
4. Hindi sya nagmumura. She may be a fierce Duterte but she also has the finesse of a Zimmerman. Dito mahihirapan ang mga dilawan kasi lagi nilang binabatikos si Tatay Digong sa pagmumura. Mayor Sara is not only strong and assertive but she is also refined.
5. She is pro-environment. Tutol po sya sa mga coal-fired power plants at mining. Kaya nga minsan salungat sila ng tatay nya dito. Mas prefer nya po yung mga renewable resources gaya ng wind at solar energy.
6. Isa syang abogada. Gaya ng tatay nya, mas maganda pa rin yung iboboto natin na may alam sa batas.
A beautiful President
7. Hindi sya maarte. Dati nung hindi pa pangulo ang tatay nya, makikita mo sya sa grocery na nakashorts lang. Kumakain ng pancit palabok sa Agdao. Parang si Baste din na makakasabay mo pa nga sa jeep. Simple lang talaga, walang pictorial gaya ng ibang pulpolitiko dyan.
8. She can be a very powerful icon. Imagine a lady President sporting a tattoo during international conventions and casually hangs out with guys on big bikes. She can be very popular not only in Asia but also worldwide — a beautiful badass chick President!
9. She is so natural. You can see her dancing and clowning around. Totoong tao talaga, hindi plastik.
10. Hindi sya ipinanganak na mayaman. Totoo po yan. Napakasimple po ng bahay ng mga Duterte sa Central Park, Bangkal, Davao City. Naglalaro pa nga sila sa ilog at nanghuhuli ng isda kasama ng mga kapatid nya nung bata pa sila.
12. Her nickname translates to “beloved”. Yan po ang ibig sabihin ng Inday — isang endearment na tinatawag ng mga magulang na bisaya sa kanilang mga anak na babae. Mali po yung tinatawag nating inday ang bisaya dahil sila ay katulong. Sara will revolutionize that name to be a strong, modern, independent woman who is loved by her people. (11th is missing! sorry)
13. May hangover pa tayo ng nakaraang eleksyon. Hindi parin po tayo nakaka get over nung 2016 campaign. Para sa akin maituturing kasi yung isang rebolusyon. Nagkaisa ang taong bayan na patakbuhin ang isang probinsyanong taga Mindanao. Tulong-tulong lahat, andaming nagvolunteer, kahit ang bandera natin ay sako ng bigas lang. Kaya kung magbabalik tanaw ka nung kasama ka sa rally ng isang milyong Pilipino sa Luneta, makatindig balahibo parin, nakakapangilabot at tutulo parin ang luha mo. Kaya kung may susunod man na pangulo, sa walang pag-aalinlangan, isang pangalan parin ang nakatatak sa ating isip ang buong tapang nating isisigaw. DUTERTE! DUTERTE! DUTERTE! 👊👊👊
Ano sa palagay mo?
PAKI-SHARE PO PARA KUMALAT! Pakisuportahan nga po kami sa pamamagitan ng pag-SHARE sa post na ito sa inyong Facebook o anumang Social Media. Pumili at i-click lamang po ang Share Icon sa ibaba.
Ano sa palagay mo?