Kakaiba ang paraan ng kampanya ni Pastor Noel Castillo dahil mga tao sa malalayong lugar at kabundukan ng San Juan Batangas ang kanilang inaabot. Kasama ang kanyang grupo na lumalapit sa bahay-bahay na walang dala o dadalhing suhol na pera, alak, bigas, pang-pulutan at kung anu-ano pang padulas. Si Pastor Noel Castillo at ang kanyang buong #TeamCastillo ay buo ang suporta sa Pangulong Duterte.
[elfsight_youtube_gallery id=”1″]
Pastor Running for Mayor
Si Pastor Noel ay isa sa mga agresibong nagsusulong ng Federalismo sa kanilang bayan na nais gawin ni Pangulong Duterte.
Mababasa ang ganito sa kanyang mismong Facebook posts:
Ang pagmamahal ko sa Diyos ang nagbigay sa akin ng pagmamahal sa bayan. Nagbigay ang Diyos ng daan upang ako ay makasali sa laban ng pagka MAYOR ng San Juan Batangas. Kaya ang paglilingkod na ibibigay ko Hindi makasarili kundi serbisyo na WALANG KALTAS.
Pwede naman pala umikot na hindi nagdadala ng alak o suhol dahil pag kinausap ang mga tao ng puso sa puso ay nagkakaunawaan.
Nung isang araw ay masaya kaming tinanggap ng pamayanan sa kabundukan.
Ang Sarap ng pakiramdam na pagdating sa kadulu-duluhan pagkatapos ng mahabang paglalakad kainitan ng araw ay madaratnan ang bahay ng padre de pamilya na may tarpaulin namin. Isa sa dahilan nito ay ang skill na makinig sa daing ng tao bilang Pastor at community facilitator. Di ko kailangan ng alak at salapi para magawa ito. That is my advantage.
Si Pastor Castillo ang #1 sa listahan ng Official Candidates ng Comelec.
Maraming mga taga-San Juan Batangas ang nagsisimulang pumanig sa pastor at sa kanyang partido dahil sa kanyang pagseserbisyo sa mga mahihirap at kapus-palad kahit wala pa siyang pwesto sa gobyerno.
Habang naglilingkod sa simabahan, kasabay niyang ginagampanan ang pag-abot-tulong bilang volunteer public servant.
Sa kanyang pagtakbo, pangako niya ang malinis na gobyerno sa San Juan Batangas at lahat ng tulong ay mapupunta sa tao hindi sa bulsa ng mga corrupt na proyekto at mga pulitiko.
Palitan ang trapo!
Hindi siya isang traditional politician, kundi manggagawa na may puso, husay at talino na pinaiiral.
Sa pagpasok ni Pastor Noel, ibang paraan ng liderato ang kanyang dala-dala dahil nagmula siya sa masa at unang aabutin ang masa. Hindi lang sa salita kundi talagang gagawin – gaya ng kanyang karanasan na pagtulong sa tao.
Ang leader ng Jesus is Lord Church na si Bro. Eddie Villanueva ay nagbigay ng basbas at dasal para sa matagumpay na kampanya ni Pastor Noel Castillo at ng kanyang grupo.
Isang matanda ang nagsabi sa kanya, “Sinuong niyo kahit lakad ang init ng araw makausap lamang kami na mga mahihirap. Kaya makakaasa kayo na kasama ko ang aking angkan na kayo ang susuportahan namin. ”
Kung taga-San Juan Batangas ka, alam mo na!
SA BAGO NA TAYO – HINDI SA TRAPO!
Pagpalain ng Diyos ang Pilipinas.
Ano sa palagay mo?