Simula na ang mainit na talakayan sa Senado tungkol sa panukalang Death Penalty na gustong maging batas ni Pangulong Duterte:
Totoo. Tayo ay may kinakaharap ngayon na pandemic na COVID-19 but itong aking issue na nire-raise ngayon, this is also considered as a global pandemic, itong drug problem.
Sorry to disagree with you…Hindi po ako sangayon na hihinto ang pag-ikot ng Senado dahil sa COVID-19. Multi-tasking po tayo. Hindi naman siguro ibig sabihin na porque tayo ay may hinaharap na global pademic na COVID-19, hihinto na lang tayo sa pag-gawa ng ibang batas para sa ibang issues na kinakaharap ng ating lipunan.
Kung gusto mo talaga na matulungan yung ating mga kababayan para makabangon dito sa pandemyang ating kinakaharap, sana tayo lahat ay bumoto doon sa Bayanihan 2 na yun dahil yun talaga ang purpose ng Bayanihan 2 na yun, para makabangon ang ekonomiya ng Pilipinas.
-Sen. Bato dela Rosa