Sa privelege speech ni Capiz 2nd District Rep. Fredenil Castro, nilampaso niya si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco sa pagpipilit na maging bagong House Speaker.
Sinabi ni Castro na siya ay nasaktan nang malaman ang aniya’y pag-aalipusta na ginagawa ng iilan sa mga “ligaw at manhid na kaluluwa” sa mababang kapulungan para lamang sa kanilang pansariling ambisyon o layunin.
“You cannot blame me for being affected when I learned about the insults [directed at Cayetano] by some of us here in the lower chamber who are lost for the sake of their personal ambition or interests.”
“The agreement between the Speaker and Congressman Velasco is between them. How can we trust Congressman Velasco to hold up his end of the deal, not just be the new Speaker but to actually act like one? And that is the more important question.”
Ipinaalala naman din ni Castro kay Velasco na minsan nang inanyayahan ito ni Speaker Cayetano na maging kasama sa pagpapatakbo ng Kamara nang inalok ito bilang maging senior deputy speaker subalit ito ay tinanggihan at mas pinili na maging chairman na lamang ng House committee on energy.
“Instead of being the leader he said he was, Congressman Velasco showed his true self. He did not work, he did not contribute, he did not defend this House. He did not lead, so why would he expect us to follow him?”
Maging ang mga kaalyado nga raw ni Velasco ay inalok din ng posisyon sa Kamara subalit sa kabila nito ay pawang pang-iintriga raw ang isinukli sa House leadership.
Patutsada pa ni Castro, hindi nagtrabaho, walang iniambag, at hindi rin dinepensahan ni Velasco ang Kamara kaya papaano sila susunod sa kanya sa oras na siya na ang maupo bilang lider ng Kapulungan.