Buong pusong tinaggap ni Senator Idol Raffy Tulfo ang tungkulin bilang Chairman ng Committee on Migrant Workers na naglalayong maisulong ang karatan ng Overseas Filipino Workers (OFWs).
Sa kanyang unang privilege speech sa Plenary Session ng Senado kahapon, Aug.17, sinabi ni Tulfo na bagama’t mayroong mga ginawang hakbang ang gobyerno para matigil ang pang-aabuso sa OFWS, sinabi niya na ito ay hindi sapat.
“I have fought against the abuses our OFWs have faced for my whole career of twenty years. I am proud that our OFWs have seen me as safe harbor whenever they were desperate to send their family members home. But, admittedly, my solutions were only symptomatic treatment to a systematic problem,” saad niya
“The birth of the Department of Migrant Workers (DMW) is the rebirth of hope that we may yet fix the system and improve our means to be proactive in the defense of our OFWs and I am more than elated when I was given the honor to be the first chairman of the Senate Committee on Migrant Workers,” dagdag ni Tulfo.
Nagpalabas si Tulfo ng ilang video clips na nagpapakita ng pang-aabuso sa mga OFWs ng kanilang banyagang employers.
“My dear colleagues, happiness in the life of an OFW is never guaranteed. The reality of the situation is that many of our countrymen are habitually abused by their foreign employers,” saad ni Tulfo.
“Hinding-hindi ko masikmura makakita ng anak na umiiyak sa kanyang nawalang nanay. Isang ama na napilitang mamalimos para mabayaran ang lamay ng kanyang anak.
“At hinding-hindi na natin pwede hayaan na mayroong mga kamag-anak na magugulat na lamang na ang nagpapadala sa kanila ng kanilang balikbayan box ay kanilang susunduin sa airport na nakakahon,” dagdag niya.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), ang bilang ng mga manggagawang Pilipino sa ibang bansa mula Abril hanggang Setyembre 2020 ay tinatayang nasa 1.77 milyon.
Sa pagbuo ng DMW ng Committee on Migrant Workers, iginiit ni Tulfo na tututukan nila ang paghahain ng batas na magbibigay-daan sa mga embahada sa ibang bansa na subaybayan ang mga OFWs nang matiyak na maiiwasan na agad ang pang-aabuso sa kanila bago pa man ito magsimula.
“We, standing as one, have the opportunity to pass laws that would authorize our embassies abroad to institute offices dedicated solely to the vetting of prospective employers and the enforcement of the laws that are meant to protect our OFWs,” saad niya.
“Magkakaroon po tayo ng paraan na mapigilan ang panghahalay sa unang pagkakataon na makita nating maaari itong mangyari. Magkakaroon po tayo ng paraan na mas mabilis masundo ang ating OFW na pinagbabantaan na saktan ng kanyang amo.
“At magkakaroon po tayo ng paraan para mabigyan ng nararapat na representasyon ang ating OFW na may kaso laban sa kanyang amo upang maramdaman niya ang suporta ng inang bayan kahit na sa lupa ng banyaga,” dagdag niya.
Ano sa palagay mo?