(Erratum: This video is recorded live on September 8, 2020 in the House of Representatives and not on September 2 as displayed on the video. Sorry for mistyping it! Thank you. Peace.)
Bistado ni Cong. Bernadette Herrera Dy at panoorin kung paano niya inilabas ang kanyang galit dahil kahit natapos na ang mga hearings, tuloy pa rin ang mga kawatan na pagkaperahan ang kagawaran.
Umarangkada na naman ang bagong pakulo ng PhilHealth kasabwat ang mga clinics at hospitals na pinagbabayad ang mga nagpapakuha ng COVID-19 PCR tests pero sisingilin muli sa PhilHealth para sa dobleng bayad.
Ikinuwento ni Herrera na ang kanyang mismong brother na matapos singilin sa kanyang PCR swab test ay kinukuhanan pa ng PhilHealth detail information upang irefund ang nasabing gasta. Ngunit hindi naman masagot kung ang perang maiferefund ay mababalik sa kanyang kapatid.
Gaano karaming tao ang nagpa-COVID-19 PCR swab test na ganito ang naging paraan ng ospital at clinics na may koneksyon sa PhilHealth para magpatuloy ang korapsyon?
Ano sa palagay mo?