Inakusahan ni Cong Cabatbat si Dr Menguita na nangangalap ng mga pasyente na may mga simpleng sakit ngunit inirereport sa PhilHealth na may malulubhang sakit upang kumita ng malaking pera.
Inisa-isa ni Cong Cabatbat ang kanyang ebidensya para patunayan ang kanyang mga paratang. Ngunit sa madramang sagutan, ilang personal na detalye ang ginamit ni Menguita upang sabihin na pinepersonal siya ng kongresista.
Ilan sa pahayag ni Menguita:
“Yung House of Representatives po para sa akin ay bahay po ng katotohanan. Hindi po ito dapat ginagamit para sa pansariling kapakanan lamang. Sa lahat po ng accusations sa akin ni Congressman Cabatbat, dine-deny ko po to lahat. Ako po ay inosente.
Binantaan niya po ako na sisirain ang kanyang buhay – dahil lamang po sa selos. Napagkamalan po niya na ako raw po ay may relasyon sa asawa ng kanyang kaibigan. Kaya 2015 po, sunud-sunod po na kaso ang finile nila sa akin.”
Dahil sa sinabi ng doktor, muntik pa siyang i-cite-in-contempt ngunit sa huli ay naging “stern warning” na lamang.
Ano sa palagay mo?