Could anybody give the ‘Tikas Pahinga’ order please.
Kaning mga mga pulis ba, pagka tikas pahinga mas dakog pilangkad kaysa mga army. Ngano ka… I’d like to make an explanation to the Filipino people — hindi masyado tayo, trabaho ang… You know, when I was mayor for 23 years sa Davao, maraming namatay and I was one of the favorite whipping boy of De Lima about the human rights.
Noong kasing na-OIC ako, right after the EDSA Revolution, noong na mayor ako magulo ang Davao. Lahat nandoon, and what was really worse at that time—it was a very bad policy but I… everybody thought at that time that it was good. Every Filipino or foreigner for that matter, would go and say that he is anti-communist… iyong Alsa Masa binigyan ng mga armas.
Arms were freely given to everybody, and when there was a slowing down… kasi sa Davao alam mo nagpalayo iyong mga komunista, wala na tayong panahon mag-istorya kung bakit. Ang naproblema ko ang mga hoodlums, then the shabu substance came into being. Hirap ako. So sabi ko, iyong mga durugista, iyong mga kidnapper, iyong mga holdaper, murder-for-hire, umalis kayo ng Davao kasi pag ayaw ninyo papatayin ko kayo. At iyong ibang umalis nga, buhay iyong iba. Iyong hindi naniwala, patay.
So noon, there is a problem. Kasi lahat kasi ng namatay binibilang… well, pulitika una iyan, it’s started in politics. Yung lahat na namamatay diyan, pati nasagasaan, kukunan ng picture, padala ni Nograles doon kay De Lima, magkaibigan naman sila… pareho silang pangit.
So De Lima kept on hammering on me, due process-due process, extra-judicial killing and I was the one of the few mayors na nana-national, and only because I was a criminal killing a criminal.
Ngayon, bakit sa Davao nahinto iyong droga, nahinto iyong… at least, barest minimum. Bakit ang Davao naging one of the safest cities in the world? Bakit ang Davao, ang negosyo pumasok at makita mo naman ngayon? Bakit ang Davao, ang mga tao doon medyo disiplinado, walang suplado? Bakit kami sa Davao, ang pakisama namin sa Moro pati Kristiyanos maganda? Well, one of the reason really is that parang neutral ako, in the sense that makalapit sa akin because my lola was a Maranao, my lolo was a Chinese but my father was a Cebuano.
So iyon ang sikreto ng Davao– ang unang umalis ang komunista. Kasi ang pag-iisip ko rin noon, parang sosyalista. But the Communist Party of the Philippines is the extreme, and they want to get government by armed struggle. So kami pagka-sosyalista namin, dito lang kami, maybe off center because my father ventured in Mindanao – nag-asawa siya dito, Mindanaoan. But we were really very poor. So I grew up in an environment of… hindi naman talaga iyong gutom, pero hirap… hirap.
So madali kong maintindihan ang mga komunista. And as a matter of fact, last night I was talking with Jalandoni, because we were talking. Naintindihan niya ako. Kaya ako nakapagpunta ng Saranggani, sa bukid, kunin ko iyong mga nabihag na pulis, na army. Because I could talk sense to them. Bakit ba tayo magpatayan na pareho naman tayong pobre dito, so why do you have to weapon.
But those are the things na limitado ako, kasi mayor lang. Wala akong—ngayon naging presidente ako, bakit maraming patay? Na ngayon lahat ng patay—kaya ako galit, kung nakikinig kayo– mga foreigners ganito iyan. Makinig kayong mabuti ha ang hina pa naman ng utak ninyo. (whispers Bullshit kayong lahat.)
Kasi yung kung ako noong mayor sa Davao, ito iyong sinabi ko… hindi naman ako gago magsabi patayin mo. At alam ko na nag-aral kayo lahat, and you know the circumstances where you can kill a person legally or any other thing would be illegal ….. extra-judicial, iyong tinatawag nilang salvage.
Sa Davao kasi ganito — hanapin ninyo ang mga durugista, mga kriminal, mga holdaper, kidnapper; hanapin ninyo arestuhin ninyo; pag ayaw mag-surrender at lumaban and they present a violent resistance, and if you think that life — your life — as an arresting officer in danger, shoot them dead, period. That is the order until now sa inyo.
Kaya sa Maynila, sabi nila, Bakit patayan noong nag-umpisa si Duterte? Kasi ang pulis takot. Alam ko, 23 years ako, ang pulis pag na-demanda, on the day na—alam mo ang mga abogado ganyan iyan, abogado ako eh. Pag—hindi ba, idemanda ka ng pulis, mag-counter charge. At minsan iyong hearings sa pulis, iyong dinemanda niyang kriminal na i-wit, last to be heard. Iyong demanda ng kriminal sa kanya na una, and he gets suspended on that day, pero mga officer after two years, but that day, wala ng trabaho, wala ng pagkain, wala na. Hindi naintindihan ng mga loko-loko eh. Kaya ang mga police takot.
Noong ako na ang presidente sinabi ko, “Go out.” Ginanyan ko, “Go out and hunt down the criminals, arrest them and if they offer a violent resistance, and you think that life– ikaw ang mamatay, kung hindi siya. Tang ina, patayin mo sila,” iyan ang order ko sa iyo. That has not changed. Pag sinunod ninyo ako, wala kayong problema, ako ang bahala sa inyo. Hindi ako papayag na may militar o pulis makulong dahil sa utos ko kasi ang bayan natin hirap. Hirap na hirap ang bayan natin.
Sa droga, Santiago, he is an officer ng armed forces, sa PDEA siya. I do not have reason to doubt about—hindi naman niya ako personal kalaban. He told us that there are 3 million addicts now in the Philippines, of late. Huwag mo na lang bilangin iyon. Iyong 700,000, it’s going up, it’s gonna reach a million mark by the end of this month. 1 million drug addicts plus 3 million noong sinabi ng PDEA, ilan iyan, di 4 million.
Nag-usap kami ni Widodo doon sa ASEAN Summit. Sabi ni President Widodo, “We have the same problem. I have 4 million addicts but there are about… almost—the largest, but—so ang Indonesia have a 300 million people; tayo 104, nearing the 4 million mark.
Itong mga puti, ang utak talaga puti. Bot pa sa bot los pad, walang dugo na—they cannot understand na ako hirap na hirap masyado dito ngayon. What am I supposed to do with the 4 million?
Sabi pa ng ano, easily done—kindly record it and give it to the idiots, mao—“why is Duterte killing them? Sending to them to rehabilitation, would be good.” They do not know or they do not pretend to know or they are ignorant really. That in any government there is always the fiscal year–January to December. At that time it was Aquino, itong budget ko ngayon pinapatakbo ko sa inyo, was a budget that was prepared by Aquino the previous year to be implemented this year.
And the budget next year is being prepared now for implementation next year. Nobody but nobody at that time knew the magnitude of the contamination of drugs. Remember that I am a mid-stream president. Pumasok ako, ang budget umiiral na. Sila iyong gumawa, at I don’t know if they had any idea na ganoon pala karami ang tama natin.
Tama iyang DOH, wala silang budget niyan even the DSWD simply because this budget now does not contain the following expenditures. Hindi ako makakuha, hindi ako makautang because that would be illegal, na iyong budget doon sa iba niyang department igastos ko para sa rehab. Because that would be just like stealing from Peter to pay Paul – ika nga sa idiom. Eh naintindihan nila daldal nang daldal, putang ina. Ngayon hinintay ko lang.
Noong sinabi ko na “De Lima, you better hang yourself,” alam ko na. And that is why I am now—iyong mga Human Right hali kayo, hali kayo dito. So I would be inviting the Human Rights Commission, the EU, Obama – if he wants to come here, si Bangki—sabi ko man Bangkisun, Ban Ki-moon pala. Bangkisun-Bangkisun… iyon pala, sun and moon kasi. So I apologize for that faux pas. If you read it, then it’s faux pas, it’s pronounced fō ˈpä.
Iyan ang totoo, ngayon alam ko na. Sino ang nagpatay? May mga patay marami in legitimate police action. Mayroon ring napatay ang mga military sa Mindanao, it’s a purely military undertaking a police action. Iyong iba, iyong binabalot, sino nagpatay?
Alam mo marami silang karibal. The most—makinig kayo—sabihin ninyo ito sa mga putang inang… bantay kayo sa akin, pagpunta ninyo dito. Di ba nila alam na pati mga police generals at pulis involved? At lahat iyong pinatay, nagpatayan sila because unahan na nila kasi these guys will be these killers. Nagpapatayan sila kung sinong pumait kay Garbo, sinong pumait kay Loot. Did it ever occur to you that there was also a silencing stage? Mostly sila sila lang. Pero ang patay lahat sawi na, tinatapon nila kay Bato, sa akin, sa pulis.
How stupid can you really get? Ngayon sabi ninyo, “Bakit mo iniinsulto?” Si Duterte sabi doon sa EU-Europe, pinaka-unpopular daw ako. Gago, tapos nang eleksiyon nanalo na ako dito. Ang boto dito ang popular, ang gusto mo… buang. Unpopular ako, and so? Tapos naman ang eleksiyon, six million nga ang margin eh. Tapos hindi daw ako statesman. Excuse me? Hindi raw ako statesman. Ang pagkaalam ko, tumakbo ako ng presidente, wala mang posisyong statesman doon sa amin. Ba, bakit mo man ako piliting maging statesman? Madumi raw ang bunganga ko, eh kasi tarantado kayo.
You know, why you get a retort to me that’s really bullshit? Because you are, yourself are bullshitting us. Hindi pa nga nila alam, hindi nga nila alam kung sino ang nagpapatayan. Why do you attribute all the killings in Manila to the police and me, when as a matter of fact you know that they were gangster including police generals? Di iyong unang birada di binabalot ng plaster. Sabi ko, that is not the job of the police to make mummies, sa Egypt lang ganoon. Bakit mo gawaing mum… magsayang-sayang ng panahon? Why will we waste our time wrapping a body with… to make mummies out of those…
Kaya ako galit.
Marunong akong magrespeto sa kapwa ko tao.
Pero itong mga—lalo na iyong mga mayaman, o kagaya itong mga hambugero na mga ibang ano… sabi ko, “Ikaw America, sige ka Human Rights.” Ngayon na nga si Charlotte na iyan, state of emergency na, bakit? Eh Pinagbabaril iyong itim. Basta naka higa, “bang.”
Kaya sabi ko si Bato, magprepara ka kung sinong general padala mo doon sa America — rapporteur. Pa-imbestiga mo rin, and interesado tayo’t pinagbabaril nila iyang mga black people sa America. Ganoon iyang America eh, pointing at us… hindi niya alam that Vietnam is also pointing at his face. “Ikaw Duterte…” eh di ikaw rin – double barrel. Puta.
So what kung ayaw na nila? May China… di Russia. Nagpunta na nga si Bato. Nagpunta na si Bato doon, sabihin ko sa iyo punta ka doon. Eh kung magkalabuan ito, nabalik na. Oh Bato onsa man? Siya sir… “naata na, sir, nabuang na ta, didto na lang ta.” Isa ka pang intrigador. Mamaya, sulsulan itong Amerikano coup d’etat-coup d’etat dito.
Ang ibig kong sabihin, before you condemn… you know men—pakinggan ninyo ito ha, ‘men judge best when they condemn.’ Pinakamahusay na husga sa tao lalabas iyan, lalo iyong husga na iyan, kasamaan sa kapwa nila.
Before conducting—De Lima, sino ba nang… Human Rights, senador, wala mang finile (file) ni isa. Sige yawyaw sa akin. Ayaw ko naman siyang patulan kasi pangit siya. Baka patulan ko tapos, “Oh, sige mag-usap tayo mayor,” na.. Tapos, “Saan, ma’am?” “Ikaw, kung saan mo gusto.”
Alam ko na noon pa. Totoo alam ko na, kaya sinabi—di ba sinabi ko, “De Lima, I am listening to you.” Hindi niya nakuha eh, akala siguro niya nagbibiro ako. Ngayon hindi akalain, eh alam mo when you get to be president, marami na ring ibang bansa na… sige kaibigan tayo. So alam ko na. Di ba sabi ko, “De Lima, did I not tell you that I was listening to you?” Ang pagsabi ko, “Go hang yourself,” iyon na iyon. Dumaan na sa kamay ko. Pero hindi ako ang—sabi ko, hayaan ko sila Vit Aguirre. Siya iyon.
So ganito iyan, sabi ko sa mga opisyal ninyo “Be careful.” Kayong nasa likod mapoproblema kayo nito. Kami hindi na masyado. Narco-politics has entered the Philippine democracy. Bantay kayo diyan. Kaya ako hindi pumayag na mag-eleksiyon ngayon, kasi iyong mga mayor at governor na sabit, they would still have the money to spend and be in power.
If we cannot destroy the apparatus now—kayo, kayo, tayo, the next generation will be compromised. Ang anak ninyo na mga high school ngayon. Huwag na iyong nasa college na… iyon hindi na masyado, pero delikado para rin – ang mga apo ninyo. Sabihin ko sa inyo, ang pinaka—pinaka ano sa taong iyon, ang apo natin. Hindi pa nga tayo sa anak eh – apo, basta apo. Isang araw kami pag makipaglaro sa apo mo maligaya ka pa. Kaya sabi ko sa lahat, “I will end by saying—hindi pa pala.. huwag mo ng i-end kay—how many awardees? Ilan iyong dumaan dito? You get P200, 000 each.
Ano sa palagay mo?