Nilinaw ni Senate President Escudero na hindi siya sang-ayon sa pagtawag ng special session para sa impeachment trial, at binigyang-diin na hindi dapat madaliin ang proseso.
“Hwag daw silang madaliin kasi kayo naman po hindi rin daw po kayo nagmadali doon sa impeachment complaint,” pahayag ng reporter.
Sa kabilang banda, iginiit ni Cong. Joel Chua na mula sa House of Representatives na “dahil ang Senado ay isang continuing body, kahit simulan ito sa 19th Congress, puwede pa rin itong ituloy sa 20th Congress.”
Sinabi pa rin ni Chua na malakas ang ebidensya laban kay Vice President Sara Duterte para sa kanyang posibleng pagkakasala sa Articles 2 at 3. “Ako po naniniwala malakas po ang ebidensya para po siya ay ma-convict dito sa impeachment,” dagdag pa niya.
VP Sara Duterte, Mas masakit pa ang breakup kaysa impeachment
Binanggit din ng mambabatas na ang impeachment ay hindi kagaya ng kriminal na kaso na nangangailangan ng proof beyond reasonable doubt.
Dagdag pa niya, “Ang impeachment po kasi ay hindi kagaya ng criminal case na kailangan ng proof beyond reasonable doubt. Ayon po kay Justice Isagani Cruz, “Ang impeachment daw is a method of national inquest into the conduct of public men.”
“Kaya ang tinitignan dito ay ang conduct ng mga opisyal, lalo na ang mga impeachable officers. Base po sa mga ebidensya, kasama na ang live video kung saan nag-threaten siya sa ating Pangulo, First Lady, at Speaker, malakas po ang kaso.”
Samantala, tinalakay din ang posibilidad na mag-resign si Duterte bago o habang nagpapatuloy ang trial. “Kung siya po ay mag-resign in advance, ang pagre-resign niya ay nareresolba lang ang removal, pero hindi yung disqualification,” paliwanag pa rin ni Chua.
Follow us on our social media:
📺www.youtube.com/@PinasNews
👉www.facebook.com/pinasnewstv
Ano sa palagay mo?