Nagsampa na ng reklamo ang Las Piñas PNP laban kay Kurt Matthew Teves, anak ni Negros Oriental congressman Arnolfo Teves Jr., dahil sa pananakit niya sa isang security guard ng BF Homes noong Marso 16.
Kinumpirma ni Las Piñas police chief Lt. Col. Jaime Santos sa pamamagitan ng text na nagsampa sila ng reklamo sa Office of the City Prosecutor nitong Miyerkules, March 30.
Ayon kay Santos, kabilang sa mga kasong haharapin ng dating Negros Oriental ex-officio member ay ang physical injuries, grave threat, at paglabag sa omnibus election code.
Makikita sa kumalat na video footage ng insidente ang pagsuntok at pagsipa ni Teves sa security guard na kinilalang si Jomar Pajares.
Ano sa palagay mo?