“There appears to be inconsistency in how the rules were applied between the Marcos and the Duterte complaints.” ~Paolo Marcoleta
“I hope we will conclude on our manifestation pertaining to the alleged double standard.” ~Jinky Luistro
Uminit ang tensyon sa pagitan nina Rep. Paolo Marcoleta at Chairperson Gerville “Jinky” Luistro dahil sa isyu ng “double standard” at tamang terminolohiya sa impeachment ni VP Sara Duterte.
Sa gitna ng impeachment hearing, kinuwestiyon ni Marcoleta ang paggamit ng terminong “sufficiency in grounds” na wala raw sa rules. Nanindigan siya na dapat sundin ang eksaktong salita sa batas para hindi magkaroon ng maling interpretasyon sa proseso.
Ayon sa kaniya, ang pagbabago ng terminolohiya ay tila pagtimbang na agad sa ebidensya sa halip na pagsusuri lang ng alegasyon. Agad namang sumagot si Luistro at ang komite na dumaan na ito sa sapat na diskusyon noong nakaraang pagdinig.
Iginiit ng Chairperson na kailangan nang mag-move forward ang komite at iwasan ang pagbalik sa mga tapos na usapin.
Nakakabahala!
Nagpahayag din si Marcoleta ng pagkabahala sa paraan kung paano tinukoy ang mga basehan ng impeachment laban sa Bise Presidente.
Giit niya, dapat ay nagkaroon ng “ground-by-ground” na deliberasyon sa halip na mabilisang pagbabasa lang ng mga alegasyon.
>More: Marcoleta kinuwestiyon si Luistro sa impeachment process
Binigyang-diin niya na ang due process ay dapat laging naroon sa bawat yugto ng impeachment. Dahil dito, hiningi niya ang paglilinaw kung bakit nag-iiba ang aplikasyon ng mga patakaran sa iba’t ibang kaso.
Sinabi niya na ang nangyayari ay tila isang preemptory declaration lamang ng sapat na basehan. Ang ganitong mabilisang proseso ay hindi raw sang-ayon sa mga naunang ruling ng korte.
Double Standard
Sa diskusyong ito, binanggit ni Marcoleta ang tila hindi pantay na pagtrato sa reklamo laban kina President Marcos at VP Duterte. Sinita rin niya ang pagkuha ng mga dokumento mula sa Quadcom hearings na dati ay sinabing walang kinalaman sa kaso.
Gayunpaman, pinigilan siya ni Rep. Leila De Lima sa pamamagitan ng isang “point of order” upang hindi na muling mabuksan ang mga tapos na isyu. Ayon kay De Lima, ang usapin ng double standard ay paulit-ulit nang natalakay at nabigyang-linaw ng komite.
Sinang-ayunan ni Luistro ang mosyon ni De Lima at pinagsabihan si Marcoleta na manatili lamang sa paksa. Pinaalalahanan ang mambabatas na huwag nang bumalik sa mga argumentong napagpasyahan na ng nakararami.
Hindi Pinansin
Sa huli, sumunod si Marcoleta sa awtoridad ng Chairperson matapos hindi payagang ikumpara ang dalawang magkaibang impeachment complaints. Nilinaw ni Luistro na ang kasalukuyang pagdinig ay nakatutok lamang sa fitness ni VP Duterte sa kaniyang pwesto.
Ang mga reklamo laban sa Bise Presidente ay nakapasa na sa sufficiency in form, substance, at grounds. Kasalukuyang nasa hearing proper stage na ang panel para matukoy ang probable cause sa nasabing impeachment.
Patuloy pa rin ang pag-isyu ng mga subpoena para sa mga kinakailangang dokumento at testigo mula sa PSA.

