VIDEO TRANSCRIPT:
“Patuloy na bumababa ang kaso ng COVID-19 sa bansa araw-araw. Ito po ang lumabas sa ginawang pag-aaral ng OCTA Research Team, isang independent researcher group na nag-aaral sa COVID-19 outbreak sa bansa.
Lumabas sa pag-aaral ng OCTA na ang bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 mula September 29 hanggang October 5 ay nasa 2,500 ay mas mababa sa 3200 kada araw mula September 15 hanggang September 22.
Mas mababa rin sa 1 ang reproduction number o pagsukat sa bilang ng kumpirmadong kaso ng naimpeksyon na nasa 0.87 lamang.
Ang NCR o National Capital Region na sentro ng virus ay bumaba na sa isang libo ang bilang ng COVID-19 kada araw kumpara sa 2,500 nung nakalipas na linggo.
Ang Reproduction Number sa Metro Manila ay nasa 0.82 na ibig sabihin ay kontrolado na ang bumababang bilang ng local transmission.
Nirekomenda ni Professor Guido David ng OCTA Research Team na isailalim sa mahigpit na quarantine ang Cagayan at Isabela dahil sa mataas na kaso ng COVID-19.”
Ano sa palagay mo?