Pinalalansag ni Senador Imee Marcos ang namamayagpag na sindikato ng mga kawatan sa Department of Agriculture matapos nilang gamitin ang Office of the President para palusutin ang binabalak na importasyon ng asukal.
Pinuri din ni Marcos si PBBM sa pagbasura sa planong importasyon ng 300,000 metriko toneladang asukal, kasabay ng hirit sa pangulo na magsagawa ng rigodon sa matataas na opisyal ng DA para buwagin na ang mga kriminal na sindikato sa gobyerno.
” ‘Wag ninyong niloloko ang ading ko!” banta ni senador Marcos.
Isinumbong sa opisina ni Marcos ng mga lokal na producer ng asukal na sumirit ang presyo ng asukal ng lampas sa P100 kada kilo dahil binabakuran ng mga switik na manufacturer ng sugared products ang mga imported na asukal kaya hindi na ito umaabot sa mga konsyumer.
Dagdag pa ng mga producer, may dalawang linggo nang inabanse ng mga sugar miller ang pag-proseso sa lokal na asukal na ilalagak sa mga retailers sa katapusan ng buwan.
Pinaiimbestigahan ni Marcos si DA Undersecretary Leocadio Sebastian at iba pang mga opisyal ng ahensya kung bakit binawi ang pagharang sa importasyon ng mga processed animal protein (PAP) galing Italy at iba pang bansa na kontaminado ng African Swine Fever (ASF).
Binuko ni Marcos si Sebastian na sumang-ayon sa banta ng ASF sa pirmado nitong memo noong August 5 na magpapalusot sa pag-angkat ng PAP sa bansa.
Dagdag ng senador, may 1,000 na mga baboy ang pinatay sa Roma noong Hunyo para di na kumalat pa ang ASF doon.
Babala ni Marcos, mamemerwisyo na naman sa mga lokal na magbababoy ang ASF oras na pinalusot sa bansa ang porcine PAP, gayong sumisipa pa lang sila para maakahon sa pesteng dulot nito sa kanilang babuyan.
Ginagamit ng lokal na industriya ng pangisdaan ang porcine PAP na gawa sa balat, dugo at buto ng baboy dahil mas mura itong pagkain ng mga isda na layong maibaba ang presyo ng isda sa bansa.
Binigyang diin ni Marcos na hindi tamang “magbubulag-bulagan sa maaaring paglusot ng ASF para paboran ang isang sektor sa agrikultura na ikapapamahak naman ng iba.”
Breaking Latest News
- Wasak si Franz Castro kay Ombudsman at naging katawa-tawa sa mga tanong sa house hearing
- Cong Isidro Ungab sumabog sa dating NCIP head Allen Capuyan sa pagbuo ng armed group na pumapatay sa mga IPs
- IKULONG ang mayayaman na smugglers!
- Robin Padilla binira ang lawlessness ng mga Teves ginamit pa ang mga pulis scalawags
- Francis Tolentino seeks postponement of Barangay, SK election in Negros Oriental