PRESIDENT DUTERTE: Si Ernest ‘yan siya, Ernest ang tawag namin, Cu, sa Presidente ng Globe. Siya mismo. Kasi sabi ko ‘pag hindi mo pa na-improve ‘yan, I will hang you in one of your towers.
Sabi niya, “Mayor, you cannot do that because there is no tower. The local governments are all f it up, that’s why. So saan mo ako bitayin? Sa lubi (coconut tree)?” Sabi ko, “Tama ka, Erns.”
GLOBE PRESIDENT AND CEO ERNEST CU: We are suffering ho from many, many years of this, before your administration, many administrations ‘no. Twenty-five to 29 permits, umaabot ng walong buwan tapos marami pa ho kaming mga miscellaneous fees ho, iba-ibang klaseng tower fee, mayroon kaming special use permit.
Hindi ho namin ma-standardize ho ‘yan ‘no. Sa isang taon ho para makapagpatayo ho kami ng 1,500 towers — which is a record ho for Globe, and I think PLDT built the same amount — kailangan ho namin mag-umpisa ng triple niyang amount na ‘yan or quadruple.
Kasi nga ho hindi namin alam anong tutuloy eh sa dami ng permit na required para makarating kami sa stage na ready to build, ‘no. So isipin niyo lang ho ‘yon, sir. Kung nag-apply kami ng 5,000 towers times 28 or 30 permits na lang, ilang libo hong permit ang kukunin namin para lang makapag-umpisa.
PRESIDENT DUTERTE: It’s really corruption. Alam mo, you can ask Bong and the business can ask Sonny Dominguez, kay — the generals, kay Secretary Año, isumbong na lang ninyo diretso at ang order ko sa Cabinet ngayon is to really take the — the — ‘yang pinakamabigat.
The most drastic measure that you can find para magkaintindihan na tayo.This is my last mile. I make no apologies about it kung ano ang nagawa ko o anong mali ko. Basta ako magtrabaho lang.
Ano sa palagay mo?