Ipinakita ni Cong. Janette Garin ang pakurbang kalsada na ginawa ng DSWD at hindi napigilan na pagalitan ang DPWH Region 6 sa kapalpakan na ginawa ng lokal na ahensya.
“Mr. Speaker, distinguished sponsor, ganito po ba ang highway na ginagawa ng Department of Public Works and Highways? Dahil sa tagal ko sa gobyerno biglang nagulat po ako.”
“Bakit po tila bulag ang DPWH Region VI sa ganitong mga project?”
“Mr. Sponsor, I agree that sometimes in a huge office, you cannot police everybody, but this is the output of non-coordination.”
Itinuloy ni Cong. Garin ang kanyang talumpati sa patuloy na pagtira nito sa DPWH. Umano’y hindi maituloy ang highway build sa kanyang distrito nang dahil sa isang typing error ng isang empleyado sa DPWH.
“Lahat tayo may pangangailangan, lahat tayo hindi kaya pondohan ng gobyerno.”
“I beg and I appeal the leadership of the Department of Public Works and Highways, equitable distribution is the name of the game.”
“Nalaman namin during the minority budget meeting that this project was not funded despite being listed in the GEE simply because somebody in the Department of Public Works and Highways made an error in typing. We find it unfair that up to this point in time, we don’t have an answer.”
Ano sa palagay mo?