Sinampahan ni Atty. Ferdinand Topacio ng reklamo si Congressman Dan Fernandez dahil umano sa paglabag sa karapatan ng testigo sa QuadComm hearing.
Inakusahan ni Topacio si Fernandez na pinigilan ang kanyang kliyente, si Cassandra Ong, na kumonsulta sa abogado at maling ipinaliwanag ang mga batas sa pagdinig.
Idiniin ni Topacio ang paglabag sa Code of Conduct at Konstitusyon. “Preventing the resource speaker from [communicating] with her counsel does not conform with the spirit and the letter of the Rules of the House and to the rules of the committees,” ani Topacio.
Iginiit niya rin ang karapatan ni Ong na manahimik. “Not only did Respondent violate the Rules of the House of Representatives, but he also gravely violated the Constitution with his vicious denial of Cassandra’s right to counsel,” dagdag niya.
MORE: Binulgar ni Jinky Luistro ang mga pangalan ng Chinese owners at may ‘kontrol’ sa NGCP
Hinikayat ni Topacio ang mga mambabatas na panagutin ang sarili at itama ang maling gawi. “Dapat may magreklamo dito. Otherwise, gagawin at gagawin nila palagi ‘yan sa lahat ng witnesses,” sabi niya.
Tinawag niyang “unparliamentary” ang mga aksyon ni Fernandez at binatikos ang maling impormasyon na ibinigay sa mga testigo. “Why are we violating the rights of these people?” tanong ni Topacio.
Sinagot ni Fernandez ang reklamo sa pagsasabing may karapatan si Topacio na magsampa. “Karapatan po niya ‘yan, pagbigyan po natin. Kung may violation tayo, pagdesisyon ng committee,” ani Fernandez.
Follow us on our social media:
📺www.youtube.com/@PinasNews
👉www.facebook.com/pinasnewstv
Ano sa palagay mo?