Umatras ang Department of Justice (DOJ) sa mga kasong isinampa laban kay dating Department of Health (DOH) Secretary Janette Garin at iba pang kaugnay ng kontrobersyal na Dengvaxia vaccine.
Inutusan ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang Prosecutor General na i-withdraw ang 98 counts ng kasong reckless imprudence resulting in homicide laban kina Garin, Dr. Gerardo Bayugo, at Dr. Ma. Joyce Ducusin sa Quezon City Regional Trial Court (RTC).
MORE: Ethics complaint laban kay Dan Fernandez “a.k.a Atty. Google” inihain ni Topacio
Natukoy ni Remulla na matapos ang masusing pagsusuri, hindi nakita ang prima facie case na may reasonable certainty of conviction laban sa mga akusado.
Iginiit niyang hindi maaaring panagutin ang mga respondents sa umano’y pagsasabwatan dahil wala namang malisyosong intensiyon sa kanilang panig.
Idiniin ng DOJ na may dahilan ang mga opisyal para magtiwala sa Certificate of Product Registration (CPR) na inisyu ng Food and Drug Administration (FDA) para sa Dengvaxia, pati na ang mga clinical trials.
Itinanggi ng DOJ ang anumang ugnayan sa pagitan ng Dengvaxia vaccination at pagkamatay ng ilang estudyante.
Inihayag ni Remulla na rigorous scientific studies conducted by the World Health Organization and other respected experts clearly point to a contrary conclusion that there is no causal link between them.
Umalma ang ilang kaanak ng mga batang namatay matapos bawiin ng DOJ ang kaso laban sa mga nanguna sa vaccination program.
Gusto ko po makamit ang hustisya. Sana naman, Secretary, maawa naman po kayo sa amin, katulad ko po na walang consent, ayon sa isang magulang ng batang nabakunahan.
Pinapurihan ni Garin ang desisyon ng DOJ. We really laud DOJ for coming up with the facts.
Follow us on our social media:
📺www.youtube.com/@PinasNews
👉www.facebook.com/pinasnewstv
Ano sa palagay mo?