Isang Filipino kauna-unahang foreigner sa China na nag-donate ng kanyang vital organs sa 6 na tao
Si Abear Wilbert, isang Filipino engineer sa China ay namatay dahil sa cerebral hemorrhage, ay kauna-unahang foreigner sa China na nag-donate ng kanyang vital orgnas na nagligtas sa buhay ng anim (6) Chinese citizens.
Ang ginawa na ito ni Wilbert ay pagpapakita ng likas na pagmamahal ng mga Filipino kahit hindi natin kadugo ang matutulungang mga tao. Ipinamalas ni Wilbert na hanggang kamatayan ay kayang magligtas pa rin ng mga buhay.
Pahayag ng People’s Daily, China ang lubos nilang pasasalamat at paggalang sa ginawa ni Abear Wilbert
Sa larawan makikita ang mga doctors and nurses na may pagpapakumbabang nagbigay-pugay kay Wilbert. Kinatawan tayo ni Wilbert. Maraming salamat po sa iyo, kabayan.
May anim na nabubuhay ngayon dahil sa iyo. Wala ka man dito, pero parang nadito ka pa rin dahil ikaw ay buhay sa iba. Isa kang bayani. Maraming salamat.
[elfsight_youtube_gallery id=”1″]