Nagbabala ang mga lider ng politika sa mga botante na huwag iboto ang mga kandidato na pabor sa China sa nalalapit na halalan sa Mayo 12.
Itinuturing nilang may panganib sa pambansang soberanya at integridad ang mga pro-China na kandidato, lalo na sa mga kaganapan sa West Philippine Sea (WPS) kung saan nakakaranas ng pang-aabuso ang Philippine Coast Guard.
Pinaigting ng mga mambabatas ang kanilang panawagan matapos mangyari ang mga insidente ng agresibong aksyon mula sa China, kabilang ang paggamit ng sonic device laban sa Coast Guard.
Tinutulan nila ang anumang pagsuporta sa mga kandidato na may ugnayan sa China, na maaaring magpahina sa posisyon ng bansa sa usaping teritoryal.
MORE: Barangay Election 2022 HINDI MATUTULOY Barzaga pinatahimik ang 2 kontra si Castro at Manuel
Inihayag ni House Deputy Majority Leader Paolo Ortega, “Hindi dapat iboto ng mga Pilipino ang mga kandidato na pro-China”.
Binanggit din ni House Assistant Majority Leader Jay Khonghun ang posibleng panganib sa soberanya ng bansa kung maghahalal ng mga kandidato na pabor sa China.
“Babala ni Khonghun ang paghalal sa mga kandidatong pro-China ay maaaring magkokompromiso sa soberanya ng bansa”. Sinabi rin niyang “Malinaw ang mensahe ng ating mga kababayan. Hindi nila tatanggapin ang mga kandidato na pumapanig sa China.”
Pinayuhan ni Khonghun ang mga botante na itutok ang kanilang pagboto sa pagmamahal sa bansa at integridad kaysa sa pansariling interes, “Ang eleksiyon ngayong Mayo ay pagkakataon nating ipakita na hindi natin ibebenta ang ating soberaniya”.
Sa kabuuan, nanawagan ang mga lider na magkaisa ang mga Pilipino laban sa mga kandidato na pabor sa China upang maprotektahan ang integridad ng bansa at ang mga interes ng bawat Pilipino sa hinaharap.
Follow us on our social media:
📺www.youtube.com/@PinasNews
👉www.facebook.com/pinasnewstv
Ano sa palagay mo?