(Ang video sa itaas ay noong May 27, 2022. Narito ang update ngayon.)
Lumala ang tensyon sa West Philippine Sea matapos harangin at i-harass ng Chinese coast guard ang Philippine vessels.
Inumpisahan ng dalawang bansa ang kasunduan para pag-usapan ang sitwasyon, subalit nagpatupad ng “Aggressive maneuvers” ang China na nagtulak sa Pilipinas na ihinto ang “Marine scientific survey” sa Sandy Cay.
MORE: Asawa ng Chinese spy humihingi ng katarungan
Humarang din ang Chinese coast guard upang pigilan ang Philippine vessels sa pagkuha ng bangkay ng isang Pilipinong mangingisda.
Inakusahan ng Pilipinas ang China ng “Continuous harassment and disregard for safety”, habang iginiit ng China na “illegally attempted to land on the reef and conduct sand sampling” ang Pilipinas kaya “lawfully obstructed” ng China ang kanilang operasyon.
Nagbigay si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng matapang na alok sa China. Sinabi niya, “Let’s make a deal with China: Stop claiming our territory, stop harassing our fishermen, stop ramming our boats, stop water cannoning our people, stop firing lasers at us and stop your aggressive and coercive behavior, and we’ll return the typhon missiles.”
Idiniin pa niya, “Let them stop everything they’re doing and I’ll return all of those.”
Samantala, binigyang-diin ni Collin Koh, isang maritime security expert, “Beijing isn’t happy with Manila’s assertive stance in the South China Sea (West Philippine Sea) and its close ties with the United States.”
Pinag-aaralan din ng ilang eksperto ang aksyon ng China bilang pagsubok sa commitment ng US sa Pilipinas, lalo na sa ilalim ng bagong administrasyon sa Amerika.
Nagpatindi ng geopolitical tension sa pagitan ng US at China ang patuloy na sigalot sa West Philippine Sea.
Sinusubaybayan ngayon ng United Nation ang mga hakbang ng Pilipinas at China, na maaaring magdulot ng mas matinding epekto sa rehiyon.
Follow us on our social media:
📺www.youtube.com/@PinasNews
👉www.facebook.com/pinasnewstv
Ano sa palagay mo?