Hindi ako magpapatalo kay Webster. Ito ang tiniyak ni Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla sa kabila ng patuloy niyang pagsisikap para mag-adjust sa kanyang papel bilang miyembro ng Senado.
Ani Padilla, patuloy niyang gagamitin ang wikang Filipino sa mga pagdinig at iba pang opisyal na kaganapan sa Senado, sa halip na gamitin ang wikang Ingles – lalo na ang mga salitang malalim ang Ingles o “pang-dictionary.”
“Opo, hindi na ako magpapanggap. Mahirap magpapanggap kang si Webster,” ani Padilla sa panayam nitong Huwebes, nang tanungin siya kung itutuloy niya ang paggamit ng Tagalog sa mga pagdinig sa Senado.
Ipinunto ni Padilla na bagama’t Tagalog ang salita ng mga senador sa loob ng lounge, paglabas sa plenaryo ay “Amerikano” na ang wika.
Sinusulong ni Padilla ang paggamit ng Filipino sa opisyal na dokumento ng pamahalaan, sa pamamagitan ng panukalang batas.
Nguni’t tuloy pa rin si Padilla sa pag-adjust sa paggamit ng Ingles sa kasalukuyang komunikasyon ng Senado.
Aniya, isang paraan dito ay ang pagbasa ng journal at pagpapa-briefing sa staff niya para maintindihan ang pinagusapan sa regular na sesyon.
Diniin din ni Padilla na magiging independent na senador siya – bagama’t suportado niya ang mga panukalang batas ng administrasyon, hindi siya papayag kung nakita niyang “hindi pabor sa tao” ang panukala.
Breaking Latest News
- Wasak si Franz Castro kay Ombudsman at naging katawa-tawa sa mga tanong sa house hearing
- Cong Isidro Ungab sumabog sa dating NCIP head Allen Capuyan sa pagbuo ng armed group na pumapatay sa mga IPs
- IKULONG ang mayayaman na smugglers!
- Robin Padilla binira ang lawlessness ng mga Teves ginamit pa ang mga pulis scalawags
- Francis Tolentino seeks postponement of Barangay, SK election in Negros Oriental