Nabigong makatakas ang pinaghihinalaang drug lord at self-confessed drug dealer na si Kerwin Espinosa at dalawa pang kasamahan nito sa kanilang kulungan sa National Bureau of Investigation (NBI) nitong Enero 13.
“In view of this incident, security measures at the jail have since been tightened with regular inspection of all jail facilities,” pahayag ni NBI Officer-in-Charge Director Eric Distor nitong Lunes, Enero 17.
Kaya lamang aniya napigilan ang pagtakas ni Espinosa at dalawa pang nakakulong na hindi na isinapubliko ang pagkakakilanlan dahil sa maagap na pagtugon ng mga tauhan ng NBI.
Nitong Enero 13, nakatanggap aniya ang mga opisyal ng NBI-Security and Management Section (NBI-SMS) ng impormasyon na pinaplanong tumakas ni Espinosa at dalawang iba sa pamamagitan ng butas ng isa sa exhaust fan sa kisame ng kanilang kulungan.
“On the same night, they immediately conducted an inspection of the jail. In one of the cells of the jail, the raiding team,” aniya.
Noong Disyembre 17 ng nakaraang taon, ibinasura ng Makati City Regional Trial Court (RTC) ang kinakaharap na drug cases nito at ng tatlo niyang kasamahang akusado at nangyari ito bago pa man sila makapagharap ng mga ebidensya sa hukuman.
Kasama rin sa inabsuwelto sa kaso sina Wu Tuan Huan, alyas Peter Co, Lovely Impal, at Marcelo Adorco.
Isinagawa ang pagbasura sa kaso nang aprubahan ng hukuman ang isinampang demurrer to evidence na iniharap ng mga akusado dahil sa umano’y kahinaan ng ebidensya ng mga prosecution panel.
Gayunman, nakakulong pa rin si Espinosa dahil sa kinakaharap na illegal drug cases sa Manila City at sa mga hukuman sa Leyte.
Read source story here Kerwin Espinosa, 2 pa, nagtangkang tumakas sa NBI detention facility —Balita, Jeffrey Damicog
_________________
For more news and updates, visit our socials
YouTube: Pinas News channel
Facebook: Pinas.news page
Join our community: OFWs-Pinoy Tambayan