503
Ayon sa hilippine Health Insurance Corp. (PhilHealth), nasa 43 senior officers ang nagresign at nagretiro mula sa korporasyon.
Ito ay sagot sa memo na inilabas ng PhilHealth CEO at President Attorney Dante Gieran noong Seytembre 30, na iniuutos ang paghahain ng courtesy resignation ng lahat ng kanilang senior officers, na mayroong salary grade 26 at pataas.
Mula sa 43 empleyado na ito, 27 ang naghain ng kanilang courtesy resignation. Anim mula rito ay nagmula sa regional offices at ang 21 ay mula sa central office.
Mayroon ring 16 pang mga empleyado na nagretiro, kung saan ang 10 ay nagmula sa central office. Anim naman ay mula sa regional office.