Nagsimula ng impeachment trial si Vice President Sara Duterte bilang unang bise presidente sa kasaysayan ng Pilipinas na naharap sa ganitong kaso matapos aprubahan ng House of Representatives ang reklamo laban sa kanya noong Pebrero 5, 2025.
Tinanggap ng 215 kongresista ang verified complaint, na nagtulak upang ipadala ito sa Senado para sa paglilitis.
Tatalakayin ng Senado ang apat na articles of impeachment, kabilang ang alegasyon ng maling paggamit ng confidential funds sa Office of the Vice President at Department of Education.
MORE: Impeachment kay VP Sara Duterte hindi hinahadlangan ni PBBM
Sinabi ni House Speaker Martin Romualdez, “Having been filed by more than one-third of the membership of the House, or a total of 215 members, is there any objection? The Chair hears none. The motion is approved.”
Ipinakita rin ang mga ebidensya, gaya ng mga kaduda-dudang acknowledgement receipts na isinumite sa Commission on Audit.
Nagbitiw na si Duterte bilang Education Secretary bago ang impeachment dahil sa hindi pagkakasundo kay President Marcos at sa mga issues na kanyang kinahaharap.
Follow us on our social media:
📺www.youtube.com/@PinasNews
👉www.facebook.com/pinasnewstv
Ano sa palagay mo?