Si Ted Failon ay nagpalabas ng official statement na siya ay nagpositibo sa COVID-19. Ang pahayag na ito ay ginawa sa Instagram post ng kanyang kasamang news anchor na si DJ Chacha.
Ayon sa pahayag, si Failon ay nagpa-test dahil isa sa kanyang kasamahan na naging close contact niya ay konpirmadong positibo na nasabing sakit. Eto ang pahayag ni DJ Chacha:
“Positibo sa Covid 19 si Sir Ted Failon. Asymptomatic po siya at maayos ang kalagayan. Lahat ng nakasalamuha niya, kasama na ako doon ay dumaan sa swab test. I got my result yesterday, and Thank God I am negative. Mixed emotions kase masaya na negative ako pero malungkot dahil positive ang ibang kasamahan ko sa trabaho. Para lang makasiguro, may swab test ulit kaming lahat on Saturday, April 3.
We would truly appreciate your prayers for Sir Ted Failon & to all my colleagues battling Covid to safely come through it. Stay safe everyone!”
Sa pahayag ni Ted Failon, sinabi niya siya ay asymptomatic sa mga senyales ng virus.
“I am asymptomatic and I will follow the advice to self-isolate and be placed on home quarantine. All my close contacts have been informed of my situation for their appropriate action.”
“This is why now more than ever, we need to be extra cautious and take all necessary precautions to ensure our safety and the safety of our families,” pahayag ni Failon.
Ang Pilipinas ay nagtala ng 10,016 bagong COVID-19 infections noong Lunes, na nagdala ng kabuuang bilang sa 731,894, na may pagkamatay sa 13,186, isa sa pinakamataas sa Asia.
Ang Metro Manila at ang mga lalawigan ng Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal ay nasa ilalim ng ECQ o Enhanced-Community Quarantine – ang pinakamahigpit sa apat na antas ng lockdown – hanggang Abril 4.