Si Pia Cayetano ay sumiklab habang si Risa Hontiveros ay naghahanap ng pagsisiyasat sa SEA Games hub joint venture. Nagalit si Senador Pia Cayetano kay Senador Risa Hontiveros sa malisyosong pamumuna sa pagtatayo ng mga pasilidad sa New Clark City para sa 2019 SEA Games.
“I am embarrassed that we choose to make a political issue out of a world-class facility. Kaya tuloy wala nang mag-aabalang magpatayo ng matitino at kahanga-hangang infrastructure dito sa Pilipinas dahil magpatayo ka lang ng maganda e sasabihin na sayo na may kalokohan ka. So paano? Puro bulok na lang tayo? Para walang pumansin, gano’n?”
“Tapos ngayon, ang kaisa-isang nagawa natin for them (athletes), binibigyan pa natin ng malisya. Kaya yan, yan ang mangyayari sa bansa natin. Puro malisya tayo, puro paghuhusga,”
“They cried when they had the opportunity to run on the turf? Bakit? Kasi dun sila nagpa-practice sa napakabulok na stadium. Ganun ang kalagayan, that’s how we treat our athletes,”
“Paano magiging white elephant? Do you even know what are the conditions of our sports facilities para sabihin mong yung world-class na yun magiging white elephant?”
“Hindi niyo ba alam na pinasa natin ang national academy of sports and doon magaaral and doon magte-training ang mga bata natin, mga future Manny Pacquiao natin, paano naging white elephant?”
~Sen Pia Cayetano
Ano sa palagay mo?