Yung nag-todo-effort ka sa solusyon tapos sinabihan ka na may nauna na sa’yo sa naisip mo! Kaasar kaya yon! Di ba!?
Natanggap po namin ang sulat ni Vice President Leni Robredo tungkol sa COVID-19 response ng pamahalaan. Nagpapasalamat po kami sa mga rekomendasyon ni VP bagama’t sa aking sagot po ay sinabi rin po natin na karamihan po ng kaniyang rekomendasyon ay pinatutupad na ng IATF.
Ang mga rekomendasyon po niya ay may kinalaman sa reporting and keeping the public informed, sa budget utilization, sa transportation concerns, sa restarting the economy, edukasyon at sa composition po ng IATF.
Doon po sa komposisyon ng IATF, napag-usapan po iyan sa IATF at napagkasunduan na ang mga lokal na opisyales ay mananatiling resource persons po ng IATF. Bakit po? Eh sa ngayon po, may tatlumpu’t tatlong miyembro ang IATF, lahat po iyan miyembro ng Gabinete at Hepe ng mga ahensiya.
Pumapalo po kami ng hanggang walo hanggang sampung oras ang pagmimeeting. kung isasama po ang mayor, baka beinte kuwatro oras na kaming mag-meeting sa IATF.
Nagpapasalamat po kami kay Vice President sa kaniyang mga panahon na ginugol para ipadala ang kaniyang mga suhestiyon at bagama’t ini-implement na nga po halos lahat po ng rekomendasyon niya ay importante rin po na makipag-communicate pa rin tayo sa Pangalawang Pangulo ng bansa.
Ipadadala po namin ang aming detalyadong sagot kay VP Leni bago po matapos ang linggong ito.
Ano sa palagay mo?